Jinkee kinabahan sa lahat ng round!
Maraming salamat po Mahal na Poong Hesukristo sa pagkakaloob ninyo sa amin ng ika-walong himala sa araw ng paÂlaspas.
Sa ipinakitang galing sa boxing ni Rep. Manny Pacquiao sa return bout nila ni Timothy Bradley sa MGM Grand, Las Vegas noong Linggo (Sabado doon), nabawi niya ang Welterweight Championship of the World. Nagdiriwang ang buong bansa, pati na ang pamilya ni Pacman.
Masayang-masaya si Jinkee Pacquiao na nanood ng laban sa kanilang TV sa bahay. ‘‘Bawat round kinakabahan ako,’’ amin ni Jinkee. ‘‘Pero nakikita kong lumalamang naman siya, kaya’t pati lahat ng mga anak ko, tuwang-tuwa.’’
Ang Pacquiao daughters na sina Quennie at Princess, nagpahayag ng kanilang kasiyahan on TV, pati ang mga Pacquiao sons na pamumuno ng panganay na si Michael, na meron na rin bigote tulad ng kanyang ama.
Nagpadala na ng congratulations kay Pacman ang Malacañang, pati na ang mga celebrities all over the world at kapwa boxers ni Pacman.
Bidang muli ang prayer warrior na si Mommy Dionisia, na madalas pang nabanggit sa mga congratulatory messages na pinapadala sa congressman.
Ang sabi ni Jinkee, na kay Pacman na ang desisyon kung magtutuloy o magreretiro na sa boxing.
Ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda, higit na tumibay ang inspirasyon upang itayo ang mga lugar nilang naperwisyo ng bagyo. Sa Tacloban, punum-puno ang kanilang Astrodome, na libre ang panonood ng fight. Sa buong bout, humuhugong ang mga sigawan at palakpakan ng mga Waray.
Ayon sa report, ganito rin ang reaksyon sa buong Kabisayaan at Mindanao.
Rich gay dinaig ang asawa ng basketbolista
Minsan pang napatunayan ng very rich gay kung sino ang higit na may ‘‘karapatan’’ sa fovorite niyang basketball player. Nasa abroad sila ngayon upang magbakasyon this Holy Week.
Samantalang ang misis at anak ng basketbolista, pinauwi sa probinsiya ng mister upang doon muna sa Semana Santa.
Show sa GMA ni Pacman, tiyak na matutuloy na sa kanyang pagkapanalo
Ngayong na kay Rep. Manny Pacquiao muli ang WBO Welterweight crown, tiyak na matutuloy na ang bagong TV show niya sa GMA 7. Noon pa kasi dapat nagsimula ito, kaya lang naging busy na siya sa training at hindi naasikaso ang tungkol sa palabas.
Sana si Maricel Soriano ang maka-partner niya sa isang sitcom. Tiyak magkli-click ang dalawa sa comedy.
Robin namigay ng datung
Masuwerte ang nanalo nang pina-raffle na honorarium ni RoÂbin Padilla sa isang show. Malalaking halaga rin ito (six digits) at makakatulong sa sinumang nagkapalad.
Dennis Roldan hindi nagbago ang hitsura
Kahit matagal nawala sa eksena ang dating congressman ng Quezon City na si Dennis Roldan, halos pareho pa rin ang kanyang itsura. Sa loob pa lang ng piitan, lumapit na siyang muli sa Diyos at nagbago.
Sana tanggapin ni Dennis ang mga teledrama roles na iniaalok sa kanya. Maaari pa siyang maging effective na character actor sa mga teleserye.
Power to unite maganda ang mga mensahe
Sa multi-awarded Power to Unite show ni Tita Elvira on TV5 last Sunday morning, guest niya si Cardinal Gaudencio Rosales. Madaling tandaan ang mga sinabi ng Cardinal tulad ng ‘‘Humarap kayo sa Diyos. Huwag kayong matakot. Mamahalin niya kayo.’’
Minsan pang pinagdiinan na ang Poong Maykapal ay mapagmahal at hindi mapagparusa. Tunay na lahat tayong kanyang nilalang ay kanyang minamahal at binibiyayaan.
Malayo ang mensahe sa mga pananakot ng iba sa mga tao, upang makahingi ng higit na malaking kontribusyon!
Ugaliin ninyong manood ng Power to Unite ni Tita Elvira, tuwing alas-siyete ng Linggo ng umaga.
- Latest