Pinoy MD may mga bagong segment
MANILA, Philippines - Simula ngayong Sabado, Abril 12, isang masigla at malusog na umaga ang naghihintay sa mga Kapuso tampok ang mga bagong segment ng Pinoy MD.
Sa pangunguna ng batikang mamamahayag na si Connie Sison, kasama sina Dr. Jean Marquez, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q†Quillamor, and Doc Oyie Balburias, tatalakayin ng Pinoy MD ang pangunahing isyung medikal, mitolohiya tungkol sa kalusugan, kagalingan pangkatawan, at marami pang iba. Patuloy na magbibigay ang weekly health magazine ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa mga manonood na maintindihan ang iba’t ibang usapin tungkol sa pangkalahatang kalusugan, mula sa mga kritikal na isyu hanggang sa mga praktikal na mga tip tungkol sa kagandahan at kalusugan.
Ngayong Sabado ilulunsad ng Pinoy MD ang isang bagong segment na tututok sa maagang pagkakatuklas at pamamahala ng mga sakit, pati na rin ang holistic wellness ng pamilya sa pamamagitan ng abot-kayang mga masusustansyang pagkain at praktikal na exercise routine. Mapapanood sa bagong segment na Unahin ang Kalusugan ang mga host ng programa na isinasabuhay ang mga health advice na binibigay nila sa mga manonood upang mas lalong hikayatin ang publiko na magtaguyod ng healthy lifestyle.
Bibisitahin din ng Pinoy MD ang actor-politician na si Daniel Fernando. Nakilala si Daniel sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Scorpio Nights at Macho Dancer kung saan nakatanggap siya ng iba’t ibang acting awards sa husay niya sa pag-arte. Sa ngayon, bise-gobernador na ng Bulacan ang 52-taong gulang na aktor. Ngunit sa kabila ng kanyang pagi-ging abala, pinananatili niya ang kanyang makisig na pangangatawan. Ano nga ba ang sikretong pangkalusugan ni Daniel?
Tampok din sa programa ang mahalagang talakayan tungkol sa oily skin at mga simpleng solusyon upang magkaroon ng malusog na balat.
Alamin din kung paano pananalitihin ang kagandahan ng balat. Tatalakayin din ang medical case ng anim na taong gulang na bata na may epidermolysis bullosa, isang sakit kung saan nagtutubig, nagdidikit-dikit at nagnananak ang balat. Maliban dito, may stage 1 bone marrow cancer din ang bata.
Huwag palampasin ngayong Sabado, Abril 12, ika-6 ng umaga, sa GMA 7.
- Latest