^

Pang Movies

Antoinette hindi na makapaghintay na magbalik-showbiz

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa lang sa mga gustong magbalik-showbiz ay si Antoinette Taus. Sabi niya:  “I am so excited in this comebacking business. Talagang nasabik din ako sa movies and TV series.  Sa ngayon, pinaplano pa lang ang gagawin kong work. I am ready to wait though.”

Nang magbalik sa U.S.A. si Antoinette, boyfriend pa niya si Dindong Dantes noon pero dahil long-distance relationship iyon, pareho nilang isinuko ang kanilang relasyon. Nagkita na ba sila ni Dingdong lately?

“Hindi pa kami nagkikita but we never lose touch. Alam kong sila na ni Marian (Rivera) ngayon. Gusto ko ring makita ang girlfriend niya.”

May tibok pa ba ang puso niya kay Dingdong hanggang ngayon?

“Yung sa amin ni Dingdong it’s a closed chapter na.”

Pwede ba niyang linawin kung may anak ba siya talaga kay Dingdong?

“We have no love child, period! Siguro kung ilang beses na akong natsismis na may anak sa kanya, ang dami na siguro kaming anak. Natawa na nga lang ako, e!”

Welcome back Antoinette!

Ara, kayang isuko ang lahat alang-alang sa pag-aasawa

Nakunan si Ara Mina sa anak sana nila ni Mayor Patrick Meneses kamakailan. Si Patrick ang dating boyfriend ni Aiko Melendez na ngayon ay nakikipagbalikan na kay Jomari Yllana.

December last year nang maging magkarelasyon sina Patrick at Ara. Plano nilang magpakasal this year at kung buhay sana ang anak nila, mas lubos ang kanilang kasiyahan. Pero ayaw nang alalahanin ni Ara ang nakaraan. “We just hope na another blessing will come in for us,” sabi niya.

Magiging full-time housewife daw si Ara sakaling maging misis na.  Handa rin siyang mag-breastfeed dahil alam niyang “a mother’s milk is the best milk for her baby.”                                                                                    

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALAM

ANTOINETTE TAUS

ARA MINA

DINDONG DANTES

JOMARI YLLANA

MAYOR PATRICK MENESES

SI PATRICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with