MANILA, Philippines - Ngayong araw na ito nakatakdang pumirma ni Derek Ramsay ng three-picture contract sa Regal Entertainment, Inc. Natuloy na rin ang paggawa ng pelikula sa production ni Mother Lily Monteverde ang isa sa prime artists ng TV5 at ni Jojie Dingcong.
Nagpahayag nga ng katuwaan si Derek sa blessing na ito sa kanyang career nang saglit siyang ipakausap sa amin kahapon ng manager niyang si Jojie. Nasa isang kumbento sila upang magpasalamat sa patuloy na gumagandang career ng aktor.
Sa tatlong movies na gagawin ni Derek sa Regal, isa rito ang pagtatambalan nila ni Marian Rivera. Wala pa kaming detalye sa dalawa pa niyang pelikula na gagawin.
Eh sa track record ni Derek, naging bahagi siya ng box-office hits gaya ng Praybet Benjamin ni Vice Ganda, No Other Woman with Anne Curtis at Cristine Reyes, at ang huli niyang A Secret Affair with Anne at Andi Eigenmann. May ginagawa rin siyang movie sa Viva Films at may guest appearance siya sa Echoserang Frog ni Shalala.
Komo nga Regal Baby na ring maituturing si Derek, may tsansa na siyang makatrabaho ang dating girlfriend na si Solenn Heussaff na isa ring Regal Baby.
Jennylyn babalikan ang paboritong lugar ni Luis
Palilipasin ni Jennylyn Mercado ang Holy Week sa Mabini, Batangas. Ito ang lugar na madalas nilang puntahan ng dating boyfriend na si Luis Manzano upang mag-scuba diving. Isa ’yon sa alaala ni Luis kay Jen na hindi nito tinatanggal sa sistema niya kapag merong oras. This Holy Week, hindi na si Luis ang kasama ni Jen kundi ang anak niyang si Alex Jazz.
Si AiAi delas Alas naman, break naman siya sa Dyesebel kaya pupunta siya sa States upang bisitahin ang mga anak na sina Sofia at Niccolo. Habang si Pokwang naman ay nasa Vancouver at Winnipeg sa Canada para sa shows doon.
Ang kakaiba sa mga artista ngayong Holy Week na sa halip magbakasyon ay magtatrabaho ay sina Aljur Abrenica at Alden Richards. Silang dalawa ang magkasama sa isang pelikulang gagawin na ayaw sabihin ng una ang mga detalye.
For sure, ang Boracay ang lugar na siksikan na naman ang dami ng baskasyunista simula this weekend! Naku, dito na lang kami sa Metro Manila dahil walang traffic except sa EDSA na kukumpuhin sa Mahal na Araw!