Gretchen ginagastusan ang anak para maging international designer

MANILA, Philippines - Mas gusto na ngayong mag-focus ni Gretchen Barretto sa mga positibong bagay at kalimutan na ang mga negative na nangyari sa kanya lalo na sa pamilya Barretto.

“We have moved on. It’s been a year. Things change, people change. Enough is enough. We have become very positive. We have been living quite a comfortable, peaceful life. To deal with negative things, what for? What will we achieve?” mataray na pahayag ni Greta.

Sana raw ay maintindihan siya ng mga taong nagtatanong ukol sa kanyang pamilya.

“I really don’t want to talk about it. I hope you respect me. Don’t make me unhappy,” saad pa nito.

Samantala, nang hingan ng reaksiyon si Gretchen sa unti-unting pagpasok ng anak na si Dominique Cojuangco sa showbiz lalo na ngayon bilang pinakabagong endorser ng Bench Whitening Lotion.

“She will be more fabulous than me, believe me. I dream for my daughter to be better than me in every way. Kung nanay ka, iyan ang gusto mo para sa anak mo,” sabi ni Gretchen.

Plano rin bang sundan ng anak niya ang yapak niya sa showbiz?

Sagot ng aktres, “I really don’t know. Right now we are spending a lot in sending her to school. I want her to be a successful international designer. That’s what I dream for her.”

Hindi rin naman daw niya pipigilan si Dominique sakaling mag-decide na itong tuluyang pumasok sa showbiz.

Sa London, England nag-aaral si Dominique ng interior design doon.

               

 

Show comments