Nag-deny ang nagbalik Pilipinas na si Antoinette Taus na nagkaroon siya ng anak sa pagkadalaga kaya siya nawala. At siyempre ang pinagbiÂbinÂtangan namang tatay ng kanyang naging anak ay “you know whoâ€. Pero ang natatandaan namin, matagal na silang break ng kanyang ex-boyfriend nang umalis siya ng Pilipinas. Umalis naman siya hoping for a better future sa US. At that time hindi na rin naman kasi maganda ang takbo ng kanyang career. Hindi rin naman kasi na-sustain ng Viva Films ang pag-build up sa kanilang dalawa noon ni Dingdong Dantes.
Sabay-sabay na ini-launch sila sa isang pelikula, biÂnigÂyan naman ng malaking promo, pero noong hindi nga naging maganda ang resulta ay parang lumamig na rin silang lahat. Actually, sa tatlong babae sa pelikulang iÂyon, si Sunshine Dizon lang ang survivor. Si Kim delos Santos ay nawala rin naman.
Ang nangyari kay Antoinette ay kagaya rin ng sa ibang nag-isip na baka makuha sila sa mga role sa mga US movie or TV projects. At that time, iyon din ang idea nila sa kanyang kapatid na si Tom Taus, na ngayon ay isa nang kilalang disc jockey. Kilala na siya ngayon bilang si DJ Tommy T, na nagpe-perform na rin kahit na sa US.
Kasi kung gusto mo talagang makakuha ng trabaho sa US, lalo na kung isa kang artista, kailangan mo ng isang mahusay na agent talaga, at kailangang doon ka nakatira dahil kung hindi ay mahihirapan ka kung kailangan ka sa auditions. Hindi kagaya sa Pilipinas, na kahit na nga patapon basta may hitsura ng kaunti, hindi na tinitingnan ang background kung saan nanggaling, at wala na ring auditions, basta isinasaksak na lang sa projects. Sa US hindi ganoon. Kahit na iyong mga lehitimo nang artista talaga kung minsan ay kailangan pang sumailalim sa auditions.
Mukhang hindi nakalusot doon si Antoinette kasi Asian-looking pa rin siya eh at limitado ang roles doon para sa mga Asyana. Ngayong nagbalik siya rito, siguro naisip niyang baka makabalik siyang muli sa showbusiness dahil may fans pa naman siya kahit matagal siyang nawala.
Pagbabalik ni Sarah L. may kulang
Nagbalik na nga si Sarah Lahbati matapos ang mahigit na isang taon din niyang pamamahinga. Naayos na niya ang problema niya sa GMA 7. May pananagutan pa rin siya sa kumpanya dahil sa hindi niya natapos na kontrata pero pinapayagan na siyang lumabas sa iba.
Pero naapektuhan si Sarah sa matagal niyang pagkawala. Parang ang tingin namin ay malamig iyong dating niya eh. Ang inaasahan namin ay ang pagbabalik niyang matindi dahil talaga namang leading lady ang calibre ng babaeng ’yan. Pero iyong kanyang number na ginawa sa Sunday All Stars, parang hindi ganoon kalakas ang dating.
Dennis Roldan aktibo na sa pagpa-pastor
Aktibo na raw muli ang dating actor at congressman na si Dennis Roldan pero this time bilang isang pastor na. Narinig na namin iyon noon pa, nasama siya sa mga Born Again Christian noong magkaroon ng kaso at makulong. Mabuti naman at sa magandang bagay nauwi ang kanyang buhay.