Ipinagtataka ng maraming kaibigan ng young actor na ito kung bakit saksakan ng dami ng pera nito ngayon. Nagugulat na lang sila sa mga mamahaling gamit nito at nababalitaan pa nilang nakikisosyo ito sa kung anu-anong negosyo.
Kapag tinatanong daw nila ang young actor ay sinasabi lang nito na marunong lang siyang humawak ng kanyang pera at never naman siyang naging maluho noon. Naglaan daw talaga siya sa pagkakataong ito na maganda ang mga negosyong pinapasok niya at matitino raw ang mga taong kasosyo niya.
Pero iba naman ang nabalitaan ng aming source dahil ang young actor daw ay isa sa mga boy toy ng isang saksakan ng yaman na gay businessman. Ito raw ang nagiging financier ni young actor kapag may gusto itong sosyohan na negosyo. Sa naturang gay businessman din niya kinukuha ang panggastos niya para sa kanyang sariling pamilya. Balita na ang bahay na tinitirhan niya ngayon ay regalo pa sa kanya ng mayamang bading.
Nabuking ng aming source ang pagiging boy toy ni young actor nang minsang mamataan siya ng source namin sa ibang bansa sa Asia. Nakaupo lang daw si young actor sa isang coffee shop at parang may hinihintay. Lalapitan sana siya ng aming source nang biglang dumating nga raw ang isang lalaki na pamilyar ang mukha na may mga kasama pang mga bodyguard. Tumabi ito sa young actor, nag-usap ng saglit at sabay silang lumabas ng coffee shop at sumakay sa magarang kotse ang dalawa.
Doon lang nakilala ng aming source kung sino ang lalaking kinatagpo ng young actor. Pamilyar ang mukha at notorious nga ito sa pag-book sa jobless actors na may luho sa katawan.
“Kaya madatung ang damuhong ’yan ngayon. Isa siya sa mga pinapayaman ng mayamang bading,†chika pa sa amin ng aming source. “In fairness kay young actor, maayos namang hinahawakan ang mga perang ibinibigay sa kanya. Masinop siya sa negosyo at low profile lang siya. Hindi tulad noong isang boy toy na ipinapakita niya talaga na sustentado siya ng mayamang bading. Hindi nagtatrabaho pero bongga ang lifestyle.â€
Teenager pa lang daw ang young actor ay sanay na itong inaalagaan ng mga bading. Pero magaganda ang sinasabi sa kanya ng mga nagiging karelasyon niya. Mabait daw ito at hindi naging sakit ng ulo. May pakinabang pa raw kaya hindi manghihinayang ang gagastos sa kanya kung saka-sakali.
“At may kung anong paraan daw ang lalaking ’yan para mapapayag niya ang bading na maglabas ng malaking halaga para sa papasukin niyang negosyo. Bongga raw niyang paligayahin ang bading.
“At least hustler na may silbi ang young actor, ’di ba? Hindi ’yung hingi lang nang hingi. May kapalit naman daw kaya sulit na rin ang pinapakawalan na pera ng bading,†imporma pa ng aming source.
Dalawang Pinay models paboritong mukha sa Cycle 2 ng modeling contest
Ang dalawang Pinay contestants nga sa Asia’s Next Top Model Cycle 2 na sina Katarina Rodriguez at Jodilly Pendre ay nakaabot sa Top 3 finalists at next week ay malalaman na kung sino ang mananalo.
Ang isa pang nakapasok sa Top 3 ay ang taga-Malaysia na si Sheena Liam.
Sa nagawa nilang 12 episodes, naging instant favorites ang dalawang Pinay para mapanalunan ang title na Asia’s Next Top Model.
Last year, first runner-up ang Pinay contestant na si Stephanie Retuya sa Cycle 1.
Si Jodilly ay 20 years old at former national volleyball player na taga-Mandaluyong City.
Isang jeepney driver ang kanyang ama at naging scholar siya sa isang university. Matalik na kaibigan niya si Stephanie na siyang nag-convince sa kanyang sumali sa Cycle 2.
Twice siyang nakakuha ng “best photo†at isa siya sa laging inaabangan ng mga judge na sina Joey Mead-King, Adam Williams, Mike Rosenthal, at ang host na si Nadya Hutagalung dahil sa kanyang “natural flair†sa harap ng kamera.
Si Katarina naman ay isa rin sa paborito ng judges dahil siya ang may “prettiest face†in the competition.
Kahit na nag-struggle sa umpisa ng competition si Kat, nag-improve sa bawat challenges at photo shoot ito kaya umabot ito sa Top 3.
Ninang ng 21 years old na si Kat ang kauna-unahang Pinay supermodel na si Tweetie de Leon-Gonzalez at kahit na ipinanganak at lumaki ito sa Orlando, Florida, Pinoy ang naging upbringing nito.
Bago nga siya sumali sa Cycle 2, isa siyang philosophy and business management major sa De La Salle University si Kat.
Ang makakalaban ng dalawang Pinay models at ang blonde-haired native of Selangor, Malaysia na si Sheena. Three times nakuha nito ang best photo sa Cycle 2.
Kung anuman ang mangyari sa finals, either isa kina Jodilly at Katarina ang manalo o maging runners-up sila sa kalaban nilang Malaysian model.
Mapapanood ang Asia’s Next Top Model Cycle 2 tuwing Wednesday, 9:40 p.m., sa Star World.