^

Pang Movies

Matapos ma-trauma sa huling karelasyon puso ng aktres walang kapaguran, in love na naman sa baguhang aktor

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mukhang in love na naman ang aktres na hindi yata marunong mapagod ang puso.

Walang bukambibig ang aktres kundi ang pangalan ng baguhang aktor na kasama niya sa isang teleserye. Madalas din sila na nakikita na magkasama at may mga pagkakataon na magkasabay ang dalawa sa pagre-report sa taping ng kanilang teleserye.

Mag-isip-isip sana ang aktres na mada­ling mahulog ang loob sa mga mhin na nagpapakita sa kanya ng kabutihan. Kilatisin at kilalanin niya nang husto ang mhin. Huwag siyang ma-impress sa magandang katawan ng baguhang aktor dahil baka katulad din ito ng kanyang mga ex-boyfriend na pinaiyak lamang siya.

Totohanin sana ng aktres ang pangako sa sarili na hindi na muna siya magmamahal pagkatapos makaranas ng trauma sa kanyang huling karelasyon. Remember, nasa huli ang pagsisisi!

 

Rep. Alfred pinadalhan ng 15 na lechon sa burol ng ina

More than 15 ang bilang ng mga lechon na ipinadala sa burol ng nanay ni Quezon City Congressman Alfred Vargas noong Biyernes.

Hindi ko na sasabihin ang name ng tao na nagpadala ng sangkatutak na lechon na pinagsaluhan ng mga nakiramay sa naulilang pamilya ni Atty. Ching Vargas para hindi siya intrigahin.

Pero magbibigay ako ng clue, naging bahagi ng showbiz ang very generous person na tinutukoy ko at very close siya sa nanay ni Alfred. Ito lang ang impormasyon na puwede kong i-share.

Ang misis ni Alfred na si Yasmine ang may-ari ng Beauty & Butter branch sa Fairview Terraces sa Quezon City.

Ang franchise ng Beauty & Butter ang unang negosyo ng asawa ni Alfred. Hindi magkakaroon ng conflict sa busy schedule ni Yasmine bilang ina at asawa ang pamamahala sa negosyo dahil napakalapit ng Fairview Terraces sa kanilang bahay.

Bagay na bagay kay Yasmine ang kanyang business dahil magandang-maganda siya. May nag-offer sa kanya noon na mag-artista pero hindi niya sineryoso dahil mas pinili ni Yasmine na maging Mrs. Alfred Vargas. Hindi nagkamali si Yasmine ng desisyon dahil happily married siya sa isang very responsible husband and father.

 

PBO nakakawiling panoorin

Nawiwili ako sa panonood ng old Tagalog mo­vies sa PBO dahil magaganda ang mga pelikula na ipinapalabas sa cable channel ng Viva Films.

Mula nang ma-discover ko ang PBO, may kakumpitensya na sa atensiyon ko ang HBO, Star Movies, at Cinema One.

Enjoy na enjoy ako sa panonood sa PBO ng mga lumang pelikula na Tagalog. Sa totoo lang, mas magaganda ang mga pelikula noon kesa nga­yon. Mahuhusay din umarte ang mga artista noon. Kapag ganito kainit ang weather at tinatamad ako na lumabas ng bahay, nanonood na lang ako ng old mo­vies sa PBO.

 

Lovi nakakapanibago, open na kay Rocco

So what naman kung magkasama na magbabakasyon sa Europe sina Lovi Poe at Rocco Nacino eh mga binata at dalaga naman sila?

Saka hindi na idine-deny nina Lovi at Rocco ang kanilang love affair. Mukhang ready na si Lovi na sabihin sa buong mundo na si Rocco ang nagpapasaya ngayon sa kanya.

Marami ang naninibago kay Lovi dahil nagiging open na siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Rocco. Hindi kagaya dati na very secretive siya at walang inaamin na relasyon. Puwedeng nag-mature na ang aktres kaya hindi na siya malihim sa mhin na itinatangi ng kanyang puso.

vuukle comment

CHING VARGAS

FAIRVIEW TERRACES

LOVI

ROCCO

SIYA

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with