Hindi na shocking sa kampo ni Vhong Navarro ang paglantad ng isang babae na nagrereklamo na ginahasa rin siya ng TV host/comedian.
Bago pa man lumantad si Roxanne Cabañero at ang alleged third rape victim, expected na ng kampo ni Vhong ang pag-apir ng mga complainant para sirain ang kanyang pagkatao. Alam nila na may kinalaman pa rin ang paglitaw ng alleged third rape victim sa mga kaso na isinampa ng TV host-comedian laban sa grupo ni Cedric Lee na bumugbog sa kanya noong Jan. 22.
Asahan natin ang pagpapainterbyu ng alleged third rape victim sa mga news program at showbiz talk show. Ang sabi ng source ko, nagtatrabaho bilang double sa mga TV show ang girl at nagkakilala sila ni Vhong sa set ng isang teleserye na tinampukan ng aktor. Nangyari raw ang insidente noong 2010 pero minabuti ng girl na manahimik dahil sa sobrang kahihiyan at pananakot kuno ni Vhong sa kanya.
Alfred parang pelikula ang pakiramdam nang magpaalam ang nanay
Nag-kill time ako kahapon sa Eastwood area dahil nakakundisyon ang isip ko na dumalo sa necrological services para sa pumanaw na nanay ni Quezon City Congressman Alfred Vargas, si Atty. Susana “Ching†Vargas.
Si Basil Valdez ang inimbitahan para kumanta sa necrological services dahil siya ang favorite singer ni Mama Ching.
Bago sumakabilang-buhay si Mama Ching, nagbilin ito na si Basil ang gusto niya na kumanta sa kanyang burol.
Nakabibilib si Mama Ching dahil napagÂhanÂdaan niya ang kanyang pag-alis. Kinausap niya ang lahat ng mga anak at nagbilin. Ganyan siya ka-organized na tao.
Kaharap ni Mama Ching ang lahat ng kanyang mga mahal sa buhay nang malagutan siya ng hininga. Ang sabi sa akin ni Alfred, hindi niya akalain na nangyayari pala talaga sa tunay na buhay ang mga eksena na napapanood sa pelikula.
Ngayon ang cremation ng mga labi ni Mama Ching sa Loyola Memorial Crematorium sa Commonwealth, Quezon City. Ilalagak sa Maria dela Strada Church ang urn na naglalaman ng kanyang abo dahil ’yon ang favorite church niya. Malapit lang ang simbahan sa bahay ng nanay ni Alfred sa Xavierville Subdivision, Quezon City.
Maraming trabaho ni Anne naperwisyo ng dikya
Tuwing MWF ang tapings ni Anne Curtis para sa Dyesebel. Imposible na nakapag-taping siya kahapon dahil sa nangyari sa kanya sa Batangas taping ng Dyesebel noong Miyerkules.
Nakagat si Anne ng box jellyfish na sagabal sa pag-unlad dahil kung kailan maraming commitments ang aktres, saka siya napag-tripan ng jellyfish.
Ang tanong, nasaan na ang jellyfish na kumagat kay Anne? Napatay kaya siya ng staff ng Dyesebel o libre siya na nakalayo at nagliwaliw sa ilalim ng karagatan?
May mga pilyo na ginagawang katatawanan ang nangyari kay Anne. Sila ’yung mga sawsawero na kaligayahan na ang mang-okray ng kapwa. Hindi ko na isusulat ang kanilang mga reaksiyon bilang respeto kay Anne na hindi na nawalan ng isyu na sinasagot at kinasasangkutan.
I-wish na lang natin si Anne ng get well soon dahil maraming projects niya ang affected ng ginawa sa kanya ng jellyfish. Sa rami ng mga puwedeng kagatin, talagang si Anne ang napagtripan na jellyfish na hindi naman siguro Sam ang pangalan!