^

Pang Movies

Lucy nagpapakabanal tuwing mahal na araw

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tingnan mo ngayon ang usapan at kung anu-ano ang sinasabi nilang balak nilang bakasyon sa Mahal na Araw. Ganyan naman talaga sa showbusiness. Sinasamantala nila iyong walang trabaho lalo na sa TV at nagbabakasyon sila. Iyon lang kasi, maliban nga sa Pasko na walang ginagawa sa TV, at wala ring shooting ng pelikula.

Maririnig mo, marami ang pu­punta sa Boracay, o sa Puerto Galera, samantalang iyong mga mas may pera, sa abroad ang takbu­han.

Mayroon namang iba na tala­gang ginagawa kung ano ang ga­wain ng panahon ng Mahal na Araw. Isa si Kuya Germs (German Moreno), na noong isang gabi sa kanyang TV show ay nagsasabi na tungkol sa kanyang pilgrimage sa Manaoag sa Pangasinan na ginagawa niya taun-taon tuwing Lunes Santo. Usually kasama niya ang staff ng kanyang show, iyong ibang mga kaibigan niya, at maski kami sumasama kami sa pilgrimage. Parang outing ang nangyayari pero, at least, nagsimula sa pagsisimba.

Sa totoo lang, matutuwa ka rin lalo na kung Huwebes Santo, kung oras na ng Visita Iglesia, marami kaming nakakasalubong na mga artista, na kagaya ng maraming Katoliko ay naglalakad din at dumadalaw sa kung ilang simbahan man ang gusto nila. Karaniwan ay pito hanggang siyam na simbahan. Mayroong higit pa. Magugulat ka na lang kung minsan, may kakalabit sa iyo na kakilala mong artista.

Ang isang alam naming talagang basta Mahal na Araw ay concentrated sa gawain sa simbahan ay si congresswoman at TV host din na si Lucy Torres-Gomez. Iyong buong pamilya kasi niya ay mga devotee ni Santo Padre Pio, at nakikita namin silang buong pamilya.

Actually, dito lamang sa Metro Manila ay napakaraming mapupuntahan na makakapagdasal at marami kayong makikitang mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan. Halimbawa, ang simbahan ng San Pedro Bautista na siyang parokya namin dahil diyan nagsimula ang kilala natin ngayong Quezon City, at sa lugar na ’yan sinasabing nagdadaan ang lahat ng mga misyonerong nagpunta sa Japan noon na naging mga martir.

Iyon ding simbahan ng Ina ng Walang Mag-ampon sa Santa Ana, Maynila na siyang kauna-unahang simbahan sa labas ng Intramuros. Naroroon din ang mapaghimalang imahen ng Mahal na Birhen na dinala sa Pilipinas noon pang panahon ng mga Kastila. Siyempre ang kapilya rin ni Santo Padre Pio sa Libis, Quezon City kung saan makikita ninyo ang mga primera klaseng relequia ng santo.

Shalala ginamit sa pelikula ang galing sa promo

Sa linggong ito, sinasabi nga namin, dalawang pelikula ang aming panonoorin. Una, ang Son of God, na isang paglalarawan ng mga huling sandali ni Kristo rito sa mundo. Ang ikalawang panonoorin namin ay ang comedy film na Echoserang Frog dahil sa magagandang reviews na aming nabasa na sinulat ng mga respetadong kritiko.

Gusto rin naming panoorin iyon dahil iyon ang launching movie ni Shalala, na matagal na naming kaibigan, simula pa noong panahong nasa ad-prom pa lamang siya ng isang matagumpay na film company. Magaling sa promo si Shalala, na nakita na­ming ginamit niya sa pelikula niya.

Iyon nga lang, indie film kasi iyon, walang malaking budget.

Pero siguro nga ang magagandang reviews na nasulat tungkol sa kanyang pelikula ay malaking bagay na para mahikayat ang iba na manood din. Iyon nga lang, huwag kayong umasa ng malaking hit kasi indie film lang naman ang Echoserang Frog at wala talagang independent na pelikula na naging napakalaking hit.

ARAW

ECHOSERANG FROG

GERMAN MORENO

HUWEBES SANTO

IYON

QUEZON CITY

SANTO PADRE PIO

SHALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with