^

Pang Movies

Pinag-initan ng isa sa mga judges? Bet na manalong contestant ng Binibining Pilipinas umuwing luhaan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Try and try until you succeed! Swak ‘yan sa nanalong 2014 Binibining Pilipinas-Universe na si Mary Jane Lastimosa mula sa North Cotabato. Third time ni MJ na lumahok sa pageant at hindi na siya umuwi nang luhaan, huh!

Pero may isang kandidata na luhaang umuwi. Bet namin siyang manalo dahil queenly ang projection niya habang rumarampa sa long gown competition.

‘Yun nga lang, may isa raw sa judges ang walang amor sa kanya dahil one time or another ay na-link ang kandidata sa asawa ng judge, kaya ang hula ng ilang netizen, mababa ang score niya sa contestant, huh!

Sa nasabing presentation, tanging ang Russian singer ang napanood naming mag-perform. Eh, isa sa judges din ang reigning Miss Universe na si Gabriela Isler kaya ramdam ng nanood sa TV, malaki ang ibinayad sa dalawa ng organizer kaya walang masyadong production numbers! Grabe naman sila! Ha! Ha! Ha!

Sweet hindi na umaasa sa solo movie

Hindi na umaasa si John Lapus na magkaroon pa ng solo launching movie. Happy na siya na nakasama sa ensemble cast gaya ng Here Comes the Bride kung saan win pa siya ng best actor award.

Proud siyang maging suporta kina AiAi de las Alas, Eugene Domingo, at iba pa pati na sa latest movie ni Vhong Navarro na Da Possessed ng Star Cinema at Regal Entertainment.

“At the end of the year, mas happy na ako na may trabaho kesa sa wala! Hindi na po ako atat diyan! Pag dumating, why not bilang may kontrata nga ako sa Viva.

 â€œPero kung hindi ibigay sa akin, okey na okey na po ako as long as meron kang trabaho! Kasi pag nagsu-support ka, parang mas matagal. Mas mahaba ang buhay mo. Mas busy. Ang pasok ng pera, maganda. Hindi mare-reposses ang binili kong bahay.

“Unlike pag nagbida ka, tapos, ano ang susunod doon?” saad pa ni Sweet.

Louise husband material na ang tingin kay Enzo bago nakipag-date kay Aljur

Three years na ang relasyon nina Louise de los Reyes at Enzo Pineda na finally ay nauwi rin sa hiwalayan gaya nang ibinalita ni Manay Lolit sa Startalk last Sunday.

Eh, sa huling interview kay Louise sa pocket presscon ng Kambal Sirena, sinabi pa niyang secured na ang relasyon nila ni Enzo kaya ang focus nila ngayon ay sa trabaho na.

Ayon pa sa young actress, nakitaan niya ng qualities si Enzo na maging husband material.

“Pero hindi pa talaga ‘yon ang focus ko. Hindi ko pa alam kung wife material ako pero understanding at caring naman ako,” katuwiran ni Louise.

Last Thursday ang interview na ‘yon kay Louise na kasama si Aljur Abrenica. Kahit sila ang magka-love team sa KS at merong halikan, nandoon ang respeto ni Aljur kay Enzo na boyfriend ni Louise, huh!

So paano ngayon ‘yan? Ang pagdi-date nina Aljur at Louise sa Subic ang naging dahilan diumano ng break up kay Enzo, huh!

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BINIBINING PILIPINAS-UNIVERSE

DA POSSESSED

ENZO

ENZO PINEDA

EUGENE DOMINGO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with