Sen. Chiz may sabit pa sa church wedding sa dating asawa, Heart ‘di pa mapapakasalan

Nag-react ang friend naming nakapanood ng interview sa TV Patrol ng ABS-CBN (na hindi naman namin napanood) kay Heart Evangelista noong isang gabi, sabi raw ng actress, baka next year ay mag­pakasal na sila ng boyfriend na si Sen. Chiz Es­cudero. Reaction ng aming kausap, paano raw ma­ka­pagpapakasal sina Heart at Sen. Chiz, eh hindi pa naman daw annulled ang church wedding ng senador sa wife niyang si Christine. Ang annulled pa lang daw ay ang civil wedding, at matagal talaga ang annulment process sa simbahan. If ever naman daw ma-annul ang church wedding marami pa ring batas ang simbahan sa muling pagpapakasal ng isang annuled. All the while raw na ginagawa ang interview, tatawa-tawa lamang ang senador.

Dahil sa relihiyon, Ruru tsugi na sa Niño!

Nanghinayang din si Ruru Madrid na hindi siya natuloy sa Niño, ang ori­ginal and heartwarming drama series na ididirek ng manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes. Hindi kasi siya pinayagan ng INC (Iglesia ni Cristo) which, he is one of the members. As the title suggests, may kinalaman ito sa religion. Si Miguel Tanfelix ang napiling gumanap na Niño at ang child star na si David Remo ay gaganap bilang si Tukayo, a Sto. Niño incarnate.

 Kasama pa rin sa serye sina Gloria Romero, Katrina Halili, Bianca Uma­li, Renz Valerio, Julian Trono, at Vincent Magbanua. May guest appearance rin si Tom Rodriguez na gaganap na tatay ni Miguel noong bata pa ito.

Mike Tan laging inaalalayan ng direktor

Hangang-hanga si Mike Tan kay Louise delos Reyes, bilang si Alona at ang taong si Pearl sa telefantasiya nilang Kambal Sirena.  Umitim lang daw kaysa dati si Louise pero kahit puyat na puyat dahil sa palipat-lipat ng location, playing the dual role, hindi raw nagbabago ang hitsura ng actress, lagi pa ring nakangiti at walang reklamo sa ginagawa niya. Nag-spoiler si Mike bilang mangingisdang si Jun, na mahuhuli niya si Alona sa lambat niya. 

Nahirapan si Mike sa pag-portray ng role niya dahil kinailangang baguhin niya ang kanyang boses, madalas daw binabago ni Direk Dondon Santos ang kanyang script para mapalabas ang kanyang character na tahimik at laging malalim ang iniisip, pero inaalalayan naman daw siya ng kanilang director kapag eksena na niya. 

 

Show comments