May aral na matututunan sa naging kapaÂlaran ni Mary Jean Lastimosa, ang aspiring beauty queen na tinanghal na Miss Universe Philippines noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Tatlong beses nang sumali sa Bb. Pilipinas si Mary Jean at sa kanyang huling pagsali, saka niya napanalunan ang pinakaasam na title.
Paano kung nawalan ng pag-asa at sumuko si Mary Jean nang matalo siya noong 2011 at 2012? Malamang na hindi natupad ang dream niya na maÂging beauty queen at i-reÂpresent ang ating bansa sa Miss Universe.
Hindi na puwedeng ipagpaÂliban ni Mary Jean ang pagsali sa Bb. Pilipinas. Last chance na niya ngayong 2014 dahil maÂlapit na siyang lumampas sa age requirement sa mga beauty contest, local o international.
Sana nga, si Mary Jean na ang makapag-uwi ng elusive Miss UniÂverse crown dahil 1973 pa nang huling maÂpaÂnaÂluÂnan ng Pilipinas ang koÂrona na napanalunan ni Margie Moran.
Janine Tugonon losyang na ang hitsura
Pare-pareho ang tanong ng mga nakapanood ng coronaÂtion night ng Bb. Pilipinas 2014.
Ano ang nangyari kay Janine Tugonon? Bakit siya tumaba at bakit hindi bagay sa kanya ang mga gown na ginamit niya?
‘Di hamak na mas maganda si Janine nang maging 1st runner up siya sa Miss Universe noong 2012. Wondering ang mga tagahanga ni Janine dahil parang nalosyang siya.
Malayung-malayo sa kanya sina Venus Raj at Shamcey Supsup na mga ex-beauty queen pero na-maintain ang kanilang mga queenly appearance.
Pagho-host ni Xian sa Binibining Pilipinas kinawawa
Kawawa naman si Xian Lim na co-host ni Anne Curtis sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2014.
Nag-effort si Xian pero pinaglalaruan siya sa social media ng kanyang detractors. Mas makabubuti na huwag nang basahin ni Xian ang mga nakalagay sa social media dahil masisira lang ang araw niya. Hindi ikatutuwa ni Xian ang mga pang-ookray ng mga tao na kaligayahan na ang batikusin siya.
Anne over qualified maging Beauty Queen
Positive ang reviews kay Anne Curtis sa Bb. Pilipinas 2014. May mga nag-comment na kung siya ang sumali, siguradong win si Anne dahil sa talino at ganda niya.
Hindi na puwedeng maging beauty queen si Anne dahil over qualified na siya. Tama na ‘yung natupad ang kanyang dream na maging concert artist. Sasabak uli si Anne sa pagkanta sa Smart Araneta Coliseum sa May 16. Babalik siya sa Big Dome bilang concert artist at hindi host ng isang beauty pageant.
Rep. Alfred parang naputulan ng pakpak sa pagkamatay ng ina
Dumalaw na ako sa burol ni Atty. Susana “Ching†Vargas, ang nanay ni Quezon City House Representative Alfred Vargas na pumanaw noong Sabado dahil sa uterine cancer.
Nakaburol ang labi ni Mama Ching sa Sta. Maria Dela Strada Parish Multi-Purpose Hall sa Katipunan Avenue, Quezon City.
Napaghandaan ni Alfred ang pamamaalam ng kanyang ina pero hindi pa rin niya mapigilan ang mapaluha. Parang naputulan ng pakpak si Alfred dahil ang nanay niya ang kanyang number one supporter at malaki ang naitulong sa kanyang showbiz at political career.
Malaki ang kinalaman ni Mama Ching sa success ni Alfred bilang politician dahil matagal siya na nagtrabaho sa Malacañang Palace. At dahil abogada, sapat din ang kaalaman sa batas ng ina ni Alfred.
Ihahatid si Mama Ching sa kanyang huling hanÂtungan sa April 5. Hindi pa sinasabi sa akin ni Alfred ang lugar na paghihimlayan nila ng kanyang mga kapatid sa kanilang ina.