MANILA, Philippines - Papasukin ng The Bottomline With Boy Abunda ang mundo ng OPM ngayong Sabado (Marso 29) kasama ang batikan at maimpluwensyang OPM singer-songwriÂters na sina Lolita Carbon (ASIN), Cooky Chua (Color It Red), at Bayang Barrios (Bagong Lumad).
Binuo ng tatlo ang grupong Tres Marias na kamakailan ay nag-release ng kanilang unang self-titled album upang hikayatin ang mga Pinoy na tangkilikin ang kanilang sariling musika at wika.
Ano ang kwento sa likod ng kanilang pagsasanib-puwersa? Bilang batikang performers, paano sila nakikipagsabayan sa mga mas nakababatang musikero lalo na sa panahon ngayon ng iTunes, YouTube, at downloadable na mga kanta?
Huwag palampasin ang The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado, pagkatapos ng Banana Split: Extra Scoop.