Marami ang nakapansin na hirap na hirap sa kanyang pinalaking boobs ang isang female celebrity.
Say ng aming source na nakatrabaho ng female celeb, ramdam nila na nabibigatan ito sa kanyang bagong dibdib.
“Para siyang hinihingal tuwing humaharap siya sa kamera. Saka para siyang uncomfortable. Hindi niya alam kung paano iaayos ang malalaking suso niya na parang mas malaki pa sa mukha niya ngayon,†tawa pa ng source namin.
Hindi kasi proportion sa maliit na body frame ni female celebrity ang pinagawa nitong boobs. Kung sino raw ang doktor na pinagawan nito, hindi man lang daw sinukat ng maayos kung babagay ba sa balingkinitan na katawan ng pasyente.
“Tingin tuloy namin sa kanya ay si Pia Moran siya. Hindi ba si Pia Moran noon ay kay liit-liit na babae eh saksakan ng laki ng dyoga? Hindi bagay sa katawan niya.
“’Tapos pansin din namin ay matigas at hindi natural tingnan ang boobs ni female celebrity. Parang makaluma ang pagkakagawa.
“May mga nagpapalaki naman ng boobs pero hindi mo halata kasi mukhang natural at mukhang malambot. Itong boobs niya, parang boobs ng isa pang dating bold star. Parang mga bunot na kinabit sa kanya,†patuloy na pagtawa pa ng source namin.
Nagtaka ang aming source kung bakit pinakialamanan ni female celebrity ang kanyang boobs. Wala namang problema rito at wala naman daw yatang plano na maging bold star ito dahil hindi naman daw bagay sa kanya.
“Siguro na-pressure ng boylet niya. Eh ang boylet kasi ni female celebrity mahilig sa malalaking boobs,†diin ng aming source.
“Ang mga naging girlfriend nga nito ay mga bombshell. Nagmumura sa laki ang mga dyoga.
“Kaya ayun, napilitan ang bruha na magpalaki na rin. Kaso hindi bagay sa kanya.
“Meron namang mga push-up bra at mga silicon gel na sinisiksik sa bra para lumaki ang boobs mo. Naghanap lang siya ng magiging problema niya balang araw.â€
Chito kinontra ang kampanya ni Ogie laban sa pagbabayad ng equity ng foreign acts
Hindi sumasang-ayon si Chito Miranda sa proposed legislation na dapat singilin ng malaking equity fee ang mga foreign act na dumarating dito sa Pilipinas para maprotektahan naman daw ang mga local artist ng bansa.
Nagsimula ng kanyang rants sa Twitter si Chito laban sa The Original Pilipino Music Development Act of 2014 or House Bill 4218 that was filed by Ifugao Representative Teddy Baguilat, Jr.
Sinuportahan ang OPM (Original Pilipino Music) bill na ito ng mga miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) na pinamumunuan ng singer-songwriter at OPM President Ogie Alcasid.
Heto ang ilang maaanghang na tweets ni Chito:
“Bakit kailangan magbayad ng equity ang foreign acts? We should welcome them! Not drive them off. Hindi yan ang sagot para umunlad ang OPM.
“Sorry uminit ang ulo ko. Gustong singilin ang mga foreign acts ng malaking tax kasi nalulugi raw ang Pinoy acts. Hindi nila kasalanan yun!â€
Nabasa ni Ogie ang ilan pang mga tweet ni Chito at naintindihan niya ang nararamdaman nito. Imbes na magalit, niyaya pa ni Ogie si Chito na sumama ito sa gagawin nilang meeting para sa mas ikauunlad pa ng OPM.
Nag-apologize naman si Chito sa kanyang pagiging emosyonal at sinabi niya na sinusuportahan niya ang OPM pero gawin daw ng tama ang lahat at huwag sisihin ang foreign acts sa kakulangan ng suporta, tulad ng mga radio station, sa mga OPM song.