Ano nga ba ang napag-usapan sa kanilang ginawang Pinoy Music Summit? Sinasabi nilang ’yan ang pinaÂkamalaking pagtitipon ng mga tao sa industriya ng musika sa ating bansa kasi nariyan na ang composers, record produÂcers, publishers, at maging singers.
Marami silang napag-usapang solusyon sa problema ng industriya ng musika at kung bakit buÂmabagsak iyon. Pero siyempre ang sinisisi nila ay ang malaganap na music piracy sa ating bansa. Sinasabi nilang hindi na mabili ang kanilang mga album sa disc format na ipinagbibili mula 250 hanggang 400 pesos ang isa dahil mayroon nga namang pirated na 20 pesos lang.
Iyan namang music piracy, ang tagal na niyan. Matagal na nilang ipinahuhuli ang gumagawa ng pamimirata, hanggang minsan may lumabas pa ngang balita na isa ring record producer ang pumipirata maging sa kanila mismong mga produkto. Nagtago ang record producer sandali matapos na mahuli ang kanyang mga duplicator na gumagawa ng pirated video at music CD pero pagkatapos ay nakabalik din, at ni hindi nakasuhan dahil sa “pakiusapan.â€
Pero kung iisipin ninyo, hindi talaga piracy ang unang problema ng music industry sa ating bansa. Napipirata rin naman kasi ang foreign labels eh. Napipirata rin ang album ng mga artist na Koreano. Pero bakit iyong mga Koreano na ni hindi naman naiintindihan ng mga Pinoy ang kanta, nabibenta? Bakit bumabaling ang fans sa mga foreigner? Iyan ang talagang problema.
Ang problema kasi ng music industry sa ating bansa, hindi tayo naghahanap ngayon ng mga bagong talent. Iyon kasing mga singer na medyo laos na at matatanda na, sila pa rin ang nagpipilit na umibabaw. Sila ang nagpo-produce ng sarili nilang plaka. Sila ang may publicity machine. Ang mas masakit pa, minsan may mga management firm sila na siyang humaÂhawak ng mga baguhang singer. Iyong mga baguhan tuwang-tuwa naman, hindi nila alam kaya sila hinahawakan ng mga iyon ay para masigurong hindi nila malalampasan ang mga humahawak sa kanila.
Kaya ang tao, dahil sawa na sa mga matatanda at laos ng singer, naghahanap ng iba.
Isa pa, bakit nga ba nanguna noon ang Filipino music? Ang ginawa ni dating Presidente Ferdinand Marcos, gumawa ng batas para lahat ng istasyon ng radio ay magpatugtog ng Filipino music. Tinulungan nila ang mga bagong talent, mga bagong composer, para magkaroon ng choice ang masa. Kaya nangibabaw noon ang Manila Sound, kahit na noon ay pinipintasan din ng mga gumagawa ng kundiman.
Ganoon din ngayon. Kailangang mag-move on na tayo. Huwag na nating ipilit iyong mga trabaho at talent na pinagsawaan na ng mga tao. Humanap na tayo ng iba.
Mark nabawasan nga ba ang fans sa pagiging daddy?
Happy naman daw si Mark Herras sa kanyang anak, na sinasabi niyang siya niyang pinaghuhugutan ngayon ng inspirasyon para lalong magsikap sa kanyang career. Natural mas kailangan niya ng magandang career ngayong may sinusuportahan na siyang anak.
Pero sa aming obserbasyon, parang nabawasan ang popularidad ni Mark simula nang aminin niyang may anak na nga siya. Una, siguro nga nabigla kasi ang fans. Ikalawa, alam naman natin ang fans, hopeless romantic. Kaya nga nagtatagumpay ang mga love team.
Siguro nagulat din sila nang malamang ang naanakan ni Mark ay ang kanyang handler. Nagkaroon ng epekto iyon sa kanyang popularidad. Plus, hanggang ngayon ay wala siyang bagong ginagawa kundi ang magsasayaw pa rin maliban sa serye nila ni Jennylyn Mercado na Rhodora X.