Amy nalilibang din sa pagpipinta

Painting ang libangan ngayon ni Amy Austria at impressive ang kanyang mga art work. Alam ko ang sinasabi ko dahil nakita ko na ang ilan sa paintings ni Amy. Napatunayan ko na artist talaga siya at hindi lamang isang mahusay na aktres. Dahil nalilibang siya sa pagpipinta, lalo akong kinabahan na baka hindi muna tumanggap si Amy ng mga tele­serye. Kasama dapat si Amy sa cast ng Ikaw Lamang ng ABS-CBN pero tinanggihan    niya ang offer dahil ang pag-aalaga sa kanyang apo ang number one priority niya.

Pareho sila ni Heart Evangelista na magaling din na mag-painting. One of these days, hindi ako magugulat kung magkaroon na rin si Amy ng solo painting exhibit.

 

Sen. Bong hinihingan ng pasalubong na holy water

Sa Linggo na ang alis ni Senator Bong Revilla, Jr. at ng kanyang pamilya para sa kanilang Holy Land trip.

Isang reporter ang nagbilin kay Bong na pasalubungan siya ng Holy water bilang souvenir mula sa Holy Land.

Hindi nag-commit si Bong pero knowing him, mag-uuwi siya ng pasalubong. Natatandaan ko nang magpunta noon si Bong sa Lourdes, kasama ang kanyang ina, maraming binili si Bong na Holy Rosary at Holy water para sa entertainment press.

 

Joey kasabay si Mike Enriquez sa holy land

Marami na ang naghahanap kay Papa Joey de Leon dahil matagal na siyang hindi napapanood sa Eat Bulaga at Startalk. Walang dapat ipag-alala ang fans ni Papa Joey na missing in action dahil nagpunta sila ng kanyang pamilya sa Holy Land. Nakasabay ni Papa Joey sa kanyang Holy Land trip si Papa Mike Enriquez at ang misis nito.

Bumalik na si Papa Mike sa 24 Oras kaya babalik na rin si Papa Joey sa Startalk sa darating na Linggo. Kahit nasa malayong lugar, updated si Papa Joey sa mga local showbiz news dahil nababasa niya sa social media at Internet ang lahat ng mga kaganapan.
Ang Holy Land trip ni  Papa Mike ang reason kaya hindi siya nakadalo sa unveiling ng Walk of Fame sa paligid ng GMA 7 noong Linggo.

Ma­kikita ang stars ng mga Kapuso sa gilid ng Edsa at Timog Avenue. Dumalo sa event ang mga pu­litiko at artista na malapit sa puso ng GMA 7, sina Senator Tito Sotto, Quezon City Mayor Herbert Bautista, at Manila City Vice-Mayor Isko Moreno.

Umapir din sa unveiling ng Walk of Fame ang mga exe­cutive at contract stars ng GMA 7.

Nagpista ang fans nang ma-sight nila ang kanilang favorite stars tulad nina Aljur Abrenica, Mark Herras,   Louise Delos Reyes, Ricky Davao, Raymond Bagasting, at marami pang iba.

 

Mga reporter problematic sa dalawang malaking showbiz event

Problematic ang ibang reporters dahil dalawang mala­king showbiz event ang magkasabay bukas na parehong malayo ang venue. Hindi ko na sasabihin kung ano ang mga ‘yon para hindi puntahan ng mga gate-crasher.

Kailangang mag-adjust ng oras ang mga nag-iimbita sa malalaking showbiz event para pareho silang mapaunlakan ng press. Nakakundisyon na ang utak ko na pupuntahan ko ang mga event na tinutukoy ko, sa ngalan ng mga loot bag!

Show comments