Bianca at mapapangasawa galing sa matinding away bago nag-propose

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay feeling nasa cloud nine pa rin ang Kapamilya host na si Bianca Gonzalez matapos mag-propose sa kanya ang boyfriend na basketball player na si JC Intal. Beyond her wildest dreams ang deskripsiyon pa ni Bianca sa naganap na surprise wedding proposal sa kanya.

Sa interview ng Cinema News kay Bianca na ipinalabas sa Buzz ng Bayan ay nagkuwento ito sa love life nila ni JC bago nangyari ang sorpresa sa kanyang ng cager boyfriend.

 â€œZero clue. I really did not expect it especially because siguro, a week ago, we came pa from a big fight talaga. And the fight was my fault so akala ko sobra akong bad shot sa kanya. I really did not expect it sobra,” pahayag pa ni Bianca.

Kuwento pa ni Binaca, nasa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 siya papunta ng London, England para kumuha ng short course sa journalism and design.

 â€œâ€™Yung unang guards that I passed, dalawa sila, meron silang two roses each. So, may rose ako papasok ng airport. Pagkalusot ko sa x-ray, dalawa na naman na rose ang ibinigay. Sa reception area, the three girls na naghihintay doon, they had one rose each,” pagdedetalye pa ng TV host-actress.

Naisip na niya noong una na ito’y prank kaya nag-message siya kay JC at tinanong kung may kinalaman ba siya rito.

“I kept on telling nga ’yung kasama ko na parang prank. Kasi ang weird. I checked in sa counter. Before I left, may nagbigay na naman ng rose. And even sa may bago mag-Immigration, someone gave me na naman a rose. I messaged JC. Sabi ko ‘Hoy may kinalaman ka ba rito? Bakit ako may roses dito sa airport?’ I just thought parang he planned something sweet kasi matagal akong mawawala,” sabi pa niya.

 â€œUntil somebody said I had to go out to verify. ‘Yun na ‘yun. Paglabas ko, grabe ‘yung luha ko bumabagsak na lang. The girl na dapat may ibe-verify daw akong baggage, binigyan ako ng tarpaulin. Binuksan ko, it said ‘Bianca please say yes.’ And when I turned around, my friends were there. JC and his parents were there. Wala na, sobra ‘yung luha ko na talaga,” kuwento pa ni Bianca.

“Right after I said yes, ang una kong tinanong, ‘Oh my gosh does my mom know?’ It meant so much kasi naayos na pala niya lahat. Nakausap na niya mommy ko, ate ko, kuya ko, my friends. They had this one chat group na lahat sila nandoon. The Proposal ‘yung title ng chat group nila. It was everything, the whole plan, the ring, the speech before he asked me, talagang beyond my wildest dreams. Grabe,” kuwento pa ni Bianca.

Samantala, sinabi ni JC sa isang interview na plano niyang pakasalan si Bianca ngayong taong ito, sa buwan ng November o December.

                                               

 

Show comments