^

Pang Movies

Young singer matapang na hinaharap ang lung cancer

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakalulungkot pero ma­tapang na hinaharap ng YouTube sensation na si Jamvhille Sebastian ng popular na JAMICH ang pagkakaroon ng lung cancer.

Sa kanyang series of I­nstagram posts ay ibinahagi ng singer ang nararanasan niya ngayong dinapuan siya ng ganitong klaseng sakit. Sa kanyang post na may hashtag na  #magkakaapopakaminimich, sinabi nitong malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang kapatid na si Yexel at sa girlfriend na si Paolinne Michell Liggayu na nagbibigay sa kanya ng lakas at suporta na labanan ang sakit at ipagpatuloy ang kanyang buhay.

Pagbabahagi pa ni Jamvhille sa kanyang Instagram, “20k a day for 4 months para sa pagpapagaling sa cancer ko. Kung iisipin ko ‘stress’ na agad at ang stress ang mabilis magpahina ng tao. Saan ko kukuhain yung ganun kalaki pero inako lahat ni Kuya @yexelstoymuseum. Nung nalaman niya na may sakit ako, sinabi niya na agad na wag ko isipin ang gastos kahit piso at siya bahala sa lahat. Limited lang ang pera ni Kuya pero lagi siyang gagawa ng paraan kasi unlimited naman daw si Lord. ‘Kahit ibenta ko ang museum mapagaling ka lang!’ Yan ang narinig ko sa kanya. Knowing na collection, business, dream and passion niya yun simula bata pa siya.

“May mga pangarap din siya at mga gastos para sa sarili pero isinantabi muna dahil ang pangarap niya daw ngayon at ang sabi ni Lord sa kanya, ‘kalimutan mo lahat at ibigay mo lahat sa kapatid mo.’ Siya umaalalay sa akin sa lahat at buong oras nakatutok na di namin nagawa dati. Bonding at quality time.

“Alam kong walang sumbatan at utang na loob na magaganap. Di ko alam kung paano magpapasalamat. Walang kapalit ang oras at pagmamahal mo, Kuya. Gusto ko isigaw sa buong mundo kung gaano ka kabuting kapatid, di lang sa akin pati sa pamilya, bilang BF, kaibigan, katrabaho.

“KUYA, MARAMING MARAMING SALAMAT AT BUONG BUHAY KO TONG TATA­NAWIN SAYO!

“Napaka swerte ko na nakilala kita at kapatid pa kita. Sa pagpapalakas pa lang ng loob ko, buhay na buhay na ako. Ang malas ng cancer cells ako pa napili. Di nila alam na may Yexel ako na kasama kong lalaban, may Paolinne Michell pa!”

Nag-celebrate si Jam ng kanyang 28th birthday last March 20. 

Mula nang ipaalam ni Jam ang karamdamang ito ay dumagsa ang buhos ng suporta sa kanyang Instagram account. Get well soon Jam, keep the faith! I­naalaala ka at ang iyong pamilya sa PM (Pang-Masa)!                             

 

ALAM

INSTAGRAM

JAMVHILLE SEBASTIAN

KANYANG

KUYA

PAOLINNE MICHELL

PAOLINNE MICHELL LIGGAYU

YEXEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with