Piolo tumatayong ama sa anak ni Moi Bien
Hindi papahuli si Moi Bien sa kaseksihan nina Ellen Adarna at Meg Imperial sa bagong palabas ng ABS-CBN na Moon of Desire. Yes, hindi raw siya papatalbog sa ganda at alindog ng dalawa dahil siya ang gaganap na sekretarya ni JC de Vera sa kuwento. Si Moi ang haharang sa mga gustong humarot sa guwapo niyang boss na si JC.
Hindi naman apektado ang trabaho niya bilang personal assistant ni Piolo Pascual dahil every Wednesday at Thursday lang daw ang taping niya sa bagong series ng Kapamilya.
Thankful si Moi dahil from time to time ay may raket siya sa showbiz at full support pa rin ang kanyang amo sa kanyang other career. Pinangangatawanan din na tumatayong tatay-tayan sa eight years old niyang anak si Piolo since pareho silang nakatirang mag-ina sa bahay ng aktor.
Si Papa P daw ang nagtuturo sa anak niyang si Isaac Mari na si Piolo rin ang pumili ng name. Galing kay Jose Mari Chan at sa Bible ang pangalan. Disiplinado raw si Piolo kaya takot ang bibong anak ni Moi at kapag kakain sila ng sabay-sabay ay behaved na behaved ang bagets.
Walang love life ngayon si Moi. Kung sakali raw na may dumating na mhin ay hindi niya alam kung iiwanan na niya si Papa P sa bahay nito pero forever daw siyang magiging thankful sa aktor dahil bigla siyang naging belong sa showbiz.
Derek inaayawan para kay Kris
Hindi makapaniwala si Shalala na malapit nang ipalabas ang kanyang launching movie na Echoserang Frog na akala raw niya ay simpleng indie film lang pero nagulat siyang ipapalabas sa mga SM at Trinoma cinemas sa April 2 ang kanyang pelikula kaya kabado na ang gay comedian dahil totohanan nang ilo-launch ang kanyang unang solong pelikula.
Nagpapasalamat si Shalala kay Derek Ramsay na special guest niya. Hindi raw siya nagdalawang salita sa hunk actor na walang kahirap-hirap kausap at hindi pa nagpabayad. Puro tawanan lang ang pinaggagagawa nila after ng take. Halos lahat naman daw ng mga kasama niyang artista sa kanyang indie movie ay hindi rin nanghingi ng talent fee kaya touched na touched si Shalala. Kahit daw si Pooh ay nag-offer din na umapir.
Kasama rin sa cast sina Empoy Amy Perez, Tonton Gutierrez, Wendell Ramos, Joross Gamboa, Kiray, John Nite, German Moreno, at Alvin Patrimonio. Si Dingdong Avanzado naman ang kumanta ng theme song.
Mabalik muna uli kay Derek. Bakit kaya mas maraming nagnega nang i-post ni Kris Aquino na nagkuwentuhan lang silang dalawang magkasama? Marami ang hindi approved sa hunk. Papaiyakin lang daw si Tetay kung sakali. Maghanap na lang daw ng iba si Kris ng mas “matalino at mas seryoso†sa buhay. Wala raw kasi sa bokabolaryo ni Derek ang kasal at hindi raw sila magka-level ng poging aktor kahit impressive ang appeal nito.
- Latest