Celebrity endorser na pagkataas-taas ng TF, napigilang mag-uwi ng mga isinuot sa pictorial

Naloka naman daw ang isang may-ari ng isang fashion brand sa female celebrity na kinuha nilang endorser. Hindi raw yata naging malinaw sa female celebrity kung ano ang dapat niyang hingin sa kanila at ano ang mga hindi niya dapat kunin na lang basta-basta.

Sa isang pictorial nga raw nila with the female celeb ay maayos naman ang lahat. Ilang mga damit at accessories ang sinuot nito para sa gagawing catalogue, billboards, at print ads for the brand.

Noong matapos ang pictorial ay nagulat na lang ang mga tauhan ng naturang brand na kinuha ng mga alalay ang mga damit at accessories na pinasuot nila para sa female celeb.

Nang sitahin nga ang mga alalay kung bakit nila hinahakot ang mga damit at accessories, sagot sa kanila ay utos daw ng kanilang amo na lahat ng kanyang ginamit sa shoot ay kunin at dalhin sa kanyang sasakyan.

Natural lang na umalma ang mga stylist dahil wala sa usapan na hahakutin ng female celebrity ang mga iyon. Kailangan na i-clear ang lahat sa kanilang bosses.

Nang makontak na nga ang boss ng naturang brand, na-shock din ito sa gustong mangyari ng female celeb. May ilang mga damit at accessories na puwedeng ibigay sa kanya pero kailangan dumaan muna ito sa kanilang opisina for clearance. Hindi raw nito basta-basta hahakutin ang mga iyon sa pictorial.

Kung may type itong ibang mga damit at accessories na wala sa mga specific na puwedeng ibigay sa kanya, kailangan niya itong bayaran pero half-price na dahil endorser ito.

Nag-sorry ang alalay ng female celebrity at hindi raw niya alam iyon. Napag-utusan lang siya ’tapos siya pa itong napahiya. Para hindi naman daw mapagalitan ang alalay ni female celeb, ibinigay na nila ang tatlong blouse at skirt na ginamit sa pictorial. Pero ’yung maxi dresses at accessories ay kailangan pa ng clearance.

Masyado naman daw abusado ang female celebrity. Malaki na nga ang talent fee niya, nagpaka-Hakot Queen pa sa kanilang pictorial.

Series tungkol sa aswang ipinalalabas sa us tv

Ipinalabas ang kuwento tungkol sa “aswang” sa hit US supernatural TV series na Grimm bilang bahagi ng kanilang season 3.

Ang episode title nito ay Mommy Dearest at tungkol nga ito sa isang Fil-American couple na magkakaroon na ng kanilang unang anak pero dahil may lahing aswang ang lalaki, may kailangang sundin itong kakaibang ritwal ng kanilang pamilya.

Ang kuwento nga tungkol sa aswang ay ikinuwento sa mga writer ng show ng isang cast member ng Grimm na si Reggie Lee na gumaganap bilang police officer Sergeant Drew Wu.

Kung bakit alam ni Lee ang kuwento tungkol sa mga aswang ay dahil isa siyang true blue Pinoy. Ikinuwento ng 40-year-old actor sa kanyang interview with Yahoo TV kung paano niya naibigay ang istorya ng aswang para sa isang episode ng Grimm.

 â€œThe writers came to me and asked me if I knew of any Filipino folklore we could use for an episode fashioned around my culture and around Wu seeing something for the first time. I said, ‘Are you kidding? There are so many.’ It’s a small island but the people there make up a lot of stories. So I gave them a list,” sabi ni Reggie.

Marami ang nag-aakala na Chinese, Japanese or Korean si Reggie dahil sa kanyang hitsura at sa mga role na ginagampanan niya sa maraming Hollywood movies. Pero ang totoo ay Pinoy nga siya na ipinanganak sa Quezon City.  Ang tunay niyang pangalan ay Reggie Valdez.

Show comments