The ongoing Lenten season is a period of spiritual renewal and enlightenment for most showbiz personalities. Sana matuon ang kanilang pansin sa mga gawain at palabas na higit na maglalapit sa atin sa Diyos at sa Mahal na Poong Hesukristo.
When we were younger, we were blessed to have reached outstanding Christian presentations such as Jesus Christ Superstar, Martir sa Golgota, at ibang pagtatanghal para sa Holy Week.
Malapit na ang Holy Week pero wala pang balita na meron tayong aabangang bagong produksiyon ng mga gaÂnitong uri ng pagÂtatanghal. Kahit nga sa TV na mahaba ang oras at laging may puwang, tila tinatamad na rin ang mga producer at director to come up with Lenten shows.
Baka naman walang gustong mag-sponsor o baka nabili na ang available airtime ng mga palabas ng higit na commercial at madaling makakuha ng commercial sponsor?
Harry Connick, Jr. grabe kung makapintas sa AI kahit sariling boses limitado naman
Ang singer na si Harry Connick, Jr. ang bagong konÂtrabida ng American Idol. Makatanggal-panga kung mamintas ng mga young contestant ang night club favorite. Higit na masakit ang mga bitiw ng saÂlita ni Connick dahil wala siyang pagpapatawang ginaÂgawa tulad ni Simon Cowell noon.
Diretsong mamintas ang crooner, masaktan na ang masaktan at wala rin siyang care kung bigla siyang masisante sa show.
As a performer, hindi naman perfect si Connick. Isa siyang crooner kaya’t limited ang kanyang vocal range at tila naglalaro lang kung kumanta.
Proposal pinaghahandaan
Sinagot agad ni Director Paul Soriano ang pahayag ni Toni Gonzaga na hindi man lang nagpo-propose sa kanya ang boyfriend for eight years kaya hindi siya makapag-ilusyon ng kasal.
Ang panig ni Soriano, their wedding will surely be soon. Dapat kasi baka wrangler na kayo kapag nagkaroon ng panganay na anak. Gusto lang ng groom-to-be, hindi mawala ang element of surprise at maging very special ang gagawin niyang proposal kay Toni.
Ang engagement sa parehang tunay na nagmamahalan ay minsan lang nangyayari, kaya ang gusto ni Paul ay gawin itong unforgettable moment para sa kanilang dalawa.
Oo nga naman. Hindi dapat parang gumawa lang sila ng movie, TV show, o isang commercial na halos lahat ng elemento ay likhang-isip o hindi mula sa puso’t kaluluwa.
Sa kanilang eight-year anniversary together maging officially engaged na kaya si Toni Gonzaga kay Paul Soriano? Naku, hindi puwedeng sabihing nagmamadali pa kayo. .
Celeste Legaspi may potential maging national artist for stage musical
Noong buhay pa si Mrs. Bella Tan at tuloy ang paggawa ng mga platinum at diamond album, ipinarinig sa akin ng mega hit producer ang isang CD. Original soundtrack ng musical na Sino Ka Ba, Jose Rizal? produced by Celeste Legaspi’s musical theaÂter company.
Nakakagulat dahil ang buong album, pawang mga commercial song ang laman. Para kaming nakinig sa isang Top 10 CD! Lalo na ang love theme nito na maaaring maging No. 1 hit single.
Bagay na bagay nga sa mga singer na ang kalibre ay mala-Ogie Alcasid, Martin NieveÂra, o Gary Valenciano.
Hanggang ngayon, maraming mga musical production ni Celeste ang nagkakaroon ng revival presentation tulad ng Katya, Kenkoy Loves Rosing, Alikabok, at Larawan, the Musical.
Sana ma-revive rin ang Sino Ka Ba, Jose Rizal? at ang buong libretto at musika ay sinulat ng mister ni Celeste na si Nonoy Gallardo. Kasi sure na sure na ang inspirasyon ng lahat ng love songs ng musical ay inspired by Ms. Celeste Legaspi, who is a potential National Artist for stage musical.