Karylle dalawang linggo ang honeymoon

Courtesy of Lorna Tolentino ang wedding photos na kuha kahapon sa church wedding nina Karylle at Yael Yuzon.

Exclusive ang mga picture ni LT bilang isa siya sa mga wedding sponsor. Pinsan ni LT si Zsa Zsa Padilla kaya pamangkin niya si Karylle.

Hindi ako nakadalo sa kasal nina Karylle at Yael pero alam ko na star-studded ang event dahil mga entertainment personality sila. Naaliw ako nang malaman ko na Ysmael ang tunay na pangalan ni Yael.

Dalawang linggo na hindi mapapanood si Karylle sa It’s Showtime dahil sa honeymoon nila ng kanyang mister.

Ilang buwan nang laman ng mga balita ang pagpapakasal ng da­lawa pero marami pa rin ang nagulat nang makita ang kanilang wedding photos na mabilis na kumalat kahapon sa social media.

May mga gulat na gulat dahil hindi raw nila alam na ikakasal na ang dalawa at ang pinaka-cheap na komento na nabasa ko? May mga nagpanggap na kahapon lamang nila nalaman na si Zsa Zsa Padilla ang madir ni Karylle.

James ginawang sexy ang pang-bagets na pelikula

Hindi ako naniniwala na mahiyain na bata si James Reid, ang lead actor ng Diary ng Panget.

Kung shy boy si James, hindi siya makukumbinsi na ipakita sa mga reporter ang kanyang abs sa presscon kahapon ng Diary ng Panget.

Dahil sa ginawa ni James, nagmistulang sexy movie ang youth-oriented movie na ipino-promote nila nina Andre Paras, Yassi Pressman, at Nadine Lustre.

Nagkaroon ng muscle ang dating patpatin na katawan ni James dahil sa regular na pagpunta niya sa gym. Talagang pinaghandaan ni James ang shooting ng Diary ng Panget at dahil naging successful siya, pinaghubad siya ng direktor na si Andoy Ranay sa ilang mga eksena.

Nadine biktima ng fans ni Kathryn

Ipinakita kahapon sa presscon ang full trailer ng Diary ng Panget.

Lalong napansin ng showbiz press ang mala­king pagkakahawig ni Nadine Lustre kay Kathryn Bernardo.

Mukhang mahihirapan si Nadine na makawala sa anino ni Kathryn dahil magkamukhang-magkamukha sila.

Biktima na nga si Nadine ng bashing dahil hindi ma-take ng fans ni Kathryn na may kahawig ang kanilang idol.

Dinededma na lang ni Nadine ang mga panglalait sa kanya. Ano pa ba ang magagawa ni Nadine eh hindi naman nito kasalanan na naging magkamukha sila ni Kathryn?

Yassi gumanda ang career nang ipagpalit ng BF

Hindi kinontra ni Yassi Pressman ang sinabi ng isang reporter na naagawan siya ng boyfriend.

Parang inamin ni Yassi na inagaw sa kanya ang ex-boyfriend na si Sef Cadayona na nali-link ngayon kay Andrea Torres.

Nag-deny na si Andrea sa contract-signing niya sa GMA 7 noong Miyerkules. Close friend at hindi raw niya dyowa si Sef na hunk na hunk ang dating dahil natsitsismis siya sa mga magagandang babae.

Ewan ko lang kung pinaniwalaan ni Yassi ang denial ni Andrea dahil nang makausap siya ng mga reporter sa shooting ng Diary ng Panget sa Cavite, iba ang kanyang mga litanya as in puro unfavorable sa ex-dyowa niya.

    In fairness sa aktres, gumanda ang takbo ng career ni Yassi nang maghiwalay sila ni Sef. Binigyan siya ng pelikula ng Viva Films at maganda ang role niya sa Diary ng Panget. All praises nga si Andoy Ranay sa performance ni Yassi sa pelikula.

Nag-deny na si Andrea sa contract-signing niya sa GMA 7 noong Miyer­kules. Close friend at hindi raw niya dyowa si Sef na hunk na hunk ang dating dahil natsitsismis siya sa mga magagandang babae.

Ewan ko lang kung pinaniwalaan ni Yassi ang denial ni Andrea dahil nang makausap siya ng mga reporter sa shooting ng Diary ng Panget sa Cavite, iba ang kanyang mga litanya as in puro unfavorable sa ex-dyowa niya.

In fairness sa aktres, gumanda ang takbo ng career ni Yassi nang maghiwalay sila ni Sef. Binigyan siya ng pelikula ng Viva Films at maganda ang role niya sa Diary ng Panget. All praises nga si Andoy Ranay sa performance ni Yassi sa pelikula.

 

Show comments