^

Pang Movies

Maui hindi titigil na idiing mahuli ang manlolokong produ ng show sa Dubai

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naging biktima ng manlolokong show promoter/producer sa Dubai ang mga Viva Hot Babes na sina Maui Taylor at Katya Santos.

Sa mga naging post ni Maui sa kanyang Facebook account, nagsimula siyang magalit noong March 13 sa kanilang producer na nagngangalang Engr. Mardilito Daya Go na may-ari ng Golden Lion Exhibition & Organizing.

Ang ikinagagalit ni Maui ay ang hindi pagbayad sa kanila ni Go sa apat na shows na ginawa nila ni Katya sa Dubai.

Heto ang ilang mga angry post ni Maui sa kanyang FB account:

“Ibang tao nga naman ang hilig mamikon at makipag-asaran pero ’pag siya ang pinikon daig pang siraulo kung mag react! nako te kilala na kita tigil tigilan ha!

“What’s with the fully booked flights fr Dubai to Manila!!!! Grrrrr!!!! I wanna go home na!

“Konting paghihintay ba ang two days??? Wala kaming return ticket ikaw ngayon ang galit?? Ayos ah! Kapal talaga ng mukha mo sir!

“stuck in dubai for another day, hay!!! im so damn pissed with the fully booked flights!

“Calling the dubai police!!!!

“Daming manloloko sa mundo. Pag di ka nagpakita sa amin ni Katya sisiguraduhin kong asa news yang pagmumukha mo! Rachelle Zara Lopez and Jay Tanael you two were right manloloko nga yang kausap namin dito.”

Ang masama pa raw nito ay hindi rin inasikaso ni Go ang kanilang return tickets pauwi ng Manila.

Lagi raw nitong sinasabi kina Maui na naka-book na ang flight nila pero hindi naman daw nito binabayaran ang tickets.

Nang makausap namin si Maui via private messaging sa Facebook sinabi nito na pinagtaguan daw sila ni Go pagkatapos ng shows nila sa Dubai.

“He didn’t pay us ng 4 shows. Tapos pinaantay niya kami ng two days for our flight.

“Antayin daw namin na maka-produce siya ng money. Eh di naman kami taga-Dubai we also have obligations here in Manila.

“Di na sya nagpakita sa amin. Pina-pulis namin asawa niya. Only to find out wala silang visa at papeles sa Dubai. Expired pati passport niya,” emote ng sexy actress.

Dahil sa nangyaring ito ay hindi nagdalawang-isip si Maui na i-post ang photo sa FB ang nanloko sa kanila na si Engr. Mardilito Daya Go para raw makilala ito ng marami at huwag paniwalaan kapag nag-offer itong mag-produce ng show.

“WARNING.... Wag n wag pagkatiwalaan tong taong to. Engr. Mardilito Daya Go. Pangalan pa lang manloloko at mangdadaya na diba. Madami na tong artista na linoko at hindi binayaran dito sa Dubai. We gave you two days to settle with us. We TRIED to be patient with you pero hanggang ngayon ginagawa mo pa din kaming tanga. Antayin mo ang karma mo. Wala kang takot sa Diyos ha sa karma ka matakot. Digital na ang karma ngayon. Nakakalungkot na kapwa Pilipino pa ang nanloko samin dito...

“I have all supporting documents to prove to the police that your license as golden lion events is expired so technically you are not allowed to operate here in Dubai. Also found out you dont have an Emirates card meaning wala kang papers dito, you’re not allowed to stay here. One wrong move on your end and you know what’s going to happen to you.”

Handa nga raw magpa-interview sa media si Maui para lalong madiin ang nanloko sa kanila sa Dubai.

“I can’t wait to get home and do my interviews with Abs and Gma. Mali ka ng linoko sir. May kalalagyan ka ngayon. Illegal citizen ka pa dito sa Dubai ha. Tignan natin san ka pupulutin manloloko ka,” sabi pa ni Maui.

Nagpapasalamat nga sina Maui at Katya sa mga mababait na Pinoy sa Dubai na tumulong sa kanila para makauwi ng maayos sa Pilipinas.

Dr. Tayag ng DOH nag-i-indie film na!

Kasama si Dr. Enrique Tayag ng Department of Health (DOH) sa pagtulong sa promotion ng indie film na Flying Kiss, bida sina Carl Guevarra, Fabio Ide, Winwyn Marquez, Maria Isabel Lopez, at Ate Gay.

Isang advocacy film ang Flying Kiss na tungkol sa sakit na tuberculosis o TB. Ipapakita sa pelikula na idinirek ni Cris Pablo ang sitwasyon ng mga taong maapektuhan dahil sa pagpapabaya sa sakit na ito.

Nataon ngang World Tuberculosis Day kaya nakiisa ang DOH with Sinehan Advocacy Media Projects, Inc., National TB Program, at National Center for Health Promotion, Philippine Business for Social Progress (PBSP) sa pama­magitan ng Global Fund to Fight AIDS, Malaria and Tuberculosis sa pagkalat ng mga nakakatulong na impormasyon tungkol sa sakit na TB.

Ipapalabas sa March 19 hanggang 25 sa SM Megamall, SM North EDSA, at SM Manila ang Flying Kiss. Ang proceeds ng tickets ay direktang mapupunta sa anti-tuberculosis advocates na TB Task Forces nationwide.

ABS AND GMA

ANTAYIN

ATE GAY

CARL GUEVARRA

DUBAI

FLYING KISS

KATYA

MARDILITO DAYA GO

MAUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with