Tiyak na kagigiliwan ng mga manonood lalo na ng mga bata ang muling paglangoy ni Dyesebel ngayong Marso 17 na halaw sa obra maestra ng Hari ng Pinoy Komiks na si Mars Ravelo.
Ayon sa mga director na sina Don Cuaresma at Francis Pasion, wala nang ibang babagay pa sa karakter nito kundi si Anne Curtis lang.
‘‘She’s mixture of innocence and sexuality. Hindi lang siya maganda kundi napaka-propesyonal pa. Hindi mo siya makikitang nagrereklamo kahit nakabuntot pa ng isang sirena. Kahit topless pa sa harap ng mga tao ay wala rin siyang kaarte-arte,’’ sabi ni Direk Don.
Ayon naman kay Anne isang malaking karangalan ng maging isang Dyesebel.
‘‘Nag-training ako para maging the best Dyesebel,’’ anang aktres.
Inamin pa rin ng aktres na marami siyang training sessions na dinaanan at may special prosthetics na ginamit pero hindi siya nahirapan at nag-enjoy sa paglangoy.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Direk Francis na kahit topless si Anne ay hindi siya bastos tingnan dahil para rin sa mga batang manonood ang Dyesebel.
AIAI tiniis ang lamig nang nilangoy na TUBIG
Nang very lively ang presscon ng Dyesebel dahil kay AiAi delas Alas. Nag-training din ang komedyana dahil kailangan niyang lumangoy bilang ini-inahan at nagpalaki kay Anne Curtis. Feeling daw niya ay kahawig niya si Anne kaya nagtawanan ang mga entertainment press.
‘‘Sapul nang magkasama sila ni Anne sa isang proyekto ay minahal ko siya. Para ko siyang baby. Kahit saan siya makarating mahal na mahal ko siya,’’ anang komedyana.
Saludo rin ang dalawang direktor nila kay AiAi dahil tiniis nito ang lamig ng tubig habang lumalangoy. Sa ika-pitong araw ng swimming lessons sa pool ay nakalulon ito ng maraming tubig.
Enjoy din si AiAi at nakasama sa Dyesebel kasama ang powerhouse cast na sina Dawn Zulueta, Gabby Concepcion, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareño, Albert Martinez, Eula Valdez, at Bangs Garcia.
Ang pinakabagong TV masterpiece ay mula sa Dreamscape Entertainment na nagbigay ng mga top-rating show na Aryana, Walang Hanggan, at Juan dela Cruz.