Manilyn nakatali na ng tatlong taon sa Kapuso

Pumirma na ng three-year exclusive contract si Manilyn Reynes sa GMA Network the other day at kasunod na nito ang story conference sa Lunes ng bago niyang project na My BFF na magsasama sila nina Janno Gibbs at isa pang dating naka-love team noon. Sayang at wala na si Ogie Alcasid sa GMA, ang ganda sana kung pagsasamahin silang lahat sa bagong show. 

Hindi pa puwedeng panga­lanan ang isang pang aktor na ma­kakasama nila dahil ma­ki­kipag-meeting pa sa kanya at sa manager nito ang program manager ng bagong romantic-comedy na magtatampok din kina Jillian Ward at Mona Louise Rey at ididirek ni Dick Lindayag. Ito ang ipapalit sa ma­tatapos na romantic-drama series ng Paraiso Mo’y Ikaw na nasa hu­ling dalawang linggo na lamang.

Katrina walang sinasabi kung buntis uli

Preggy ba ulit si Katrina Halili for their se­cond baby ni Kris Lawrence na nagsabing inaa­yos na nila ang pagpapakasal pero hindi pa raw this year? Kasama rin si Katrina sa My BFF at nagulat ang program manager ng show dahil hindi raw niya alam kung totoong preggy si Katrina dahil wala namang sinabi ang aktres nang kausa­pin nila for the show. Ang alam niya, sa pagsisimula ng soap, preggy si Katrina sa story. 

Bago natapos ni Katrina ang afternoon prime nilang Magkano Ba ang Pag-ibig? ay bumalik na sa dati ang kanyang sexy figure at si Baby Katie naman ay more than one year old na rin. 

Alden at Aljur magsisipaghubad

Agad itinanggi ni Alden Richards na ang Magpakailanman episode na Gas Mo, Buhay Ko ay parang younger version ng My Hus­band’s Lover nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Gaganap daw silang magka­patid ni Aljur Abrenica, sa direksiyon ni Argel Joseph. 

Pero totoong magpapakita sila ng katawan ni Aljur dahil sa pagsisikap nilang kumita para mabuhay, kung anu-anong trabaho ang papasukin nila, isa rito ay ang maging panadero kaya biro ni Aljur ay ipakikita nila ni Alden ang kanilang mga “pandesal” sa dibdib. Mapapanood mamayang gabi ang Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.

Marian sinusundan ng fans hanggang TVC at pictorial

Kahit fans ni Marian Rivera ay ayaw na ring sagutin ang bagong hashtag na ikinabit na naman sa pangalan ng kanilang idolo ng fans ng mga naiinggit daw sa aktres. Naka-move on na rin daw sila tulad ng GMA Primetime Queen. Susuportahan na raw lamang nila lahat ng activities ni Marian, tulad ng pagbili ng iba pang glossy magazines na lalabas this March and April at pagtutok gabi-gabi sa Carmela na nagti-trending sa Pilipinas and worldwide. 

Bilib nga kami sa kanila dahil kahit ang pagdalo ni Marian sa mga regional show, tulad ngayong Sabado at Linggo, sa Araw ng Dabaw na kasama ang leading man niyang si Alden Richards, ay nasasamahan nila ang aktres. Kaya naman love na love rin sila ni Marian, mababait daw ang fans nila ni Ding­dong Dantes kaya allowed silang manood ng kanyang mga TVC shoot at pictorial ng mga bago niyang endorsement.

 

Show comments