Masayang tinanggap ng isang rich, former actress ang lead role sa isang indie film as her comeback vehicle. Siya mismo ang gumasta para sa promo interview, to promote the movie. May kasama pang TV crew sa mga invited sa kanyang presscon.
Kaya lang P7,000 lang ang talent fee for her full-length. Malaki ang inabono niya para magkaroon ng media exposure ang balik-pelikula. Karamihan pa sa mga eksena, sa magarang bahay niya kinunan at siya mismo ang nag-cater ng libre sa buong staff at crew!
Sana mapansin ang husay niyang umarte upang maisali naman siya sa isang teleserye at kumita. Very professional pa naman ang aktres at magandang halimbawa sa kanyang mga kasamahan.
Third party hindi problema nina Carla at Geoff
Inamin ni Carla Abellana na may problema sa relasyon nila ni Geoff Eigenmann. Say ng aktres, normal lang sa mga affair ng mga artista ang hindi pagkakaunawaan kung minsan.
Patuloy naman siyang umaasa na malulutas kung anuman ang gap na namamagitan sa kanila ng aktor.
‘‘At the end of the day, malulutas naman ang mga problema at magkakaintindihan muli kami,†sabi ng aktres.
Buti naman at walang lumilitaw na third party dahil kung meron ng kontrabida, malabong magkabalikan pa sila.
Bea ipinagtatanggol ng kapatid, walang panahong makigulo
Nagtataka ang bunsong kapatid ni Bea Binene na nadadawit pa sa mga intriga with her fellow young artist.
‘‘Tahimik lang naman siya sa bahay kapag walang trabaho,’’ paniniyak ng young sister ng aktres.
‘‘Sumasama pa siya sa pagtatanim ng mga puno para makatulong lang sa preservation of nature. Wala na talaga siyang time na makigulo sa ibang artista.â€
OPM sisikaping alamin ang problema ng music industry
Si Noel Cabangon ang conference director ng Pinoy Music Summit, Basta Pinoy, Push Mo ’Yan, na idaraos sa Land Bank Plaza, Malate, Manila ng Filipino Society of Composers & Publishers at Organization ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) on March 19.
Sisikapin nilang alamin ang mga suliranin ng music industry at ang mga solusyon para malutas ang mga problemang ito.
Sabi ng OPM President na si Ogie Alcasid, ‘‘We hope to know where we stand and where we are headed.’’
Suportado naman sila ng kasamahan sa industriya at ng mga kapwa Pinoy na tumatangkilik sa ating sariling musika.
MTRCB magpapa-multa ng P10k at magpapakulong sa mga rated X na pelikula
Nagbigay ng babala ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagpapalabas ng mga X movie sa mga alternative venue tulad ng passenger buses, restaurants o night clubs, at pati sa mga private residence.
Malaking halaga ang magiging multa for every offense, na umpisa sa P10,000, at may pagka-bilanggo pang parusa!
Ang mga X-rated movie, hindi maaaring ipalabas sa public places o pagkakitaan sa mga patagong lugar.
Marian pinupuri ng mga iniendorsong kumpanya
Ipinagtatanggol ng mga kumpanyang ang produkto ay endorsed by Marian Rivera na kahit kailan hindi nila nakitang lumabag sa kagandahang asal ang kanilang role model.
Kaya siya ang napili nilang brand ambassador, mahusay magdala ng kanyang sarili ang primetime queen na laging epektibo siyang mag-promote ng mga consumer product. Tulad ng Personal Collection Direct Selling, Inc., very satisfied sa ginagawang promo ng aktres.
Wala pa kasing one month silang nag-media launch, naramdaman na nila ang might sales reaction sa buong bansa ng mga bagong produktong promoted by Marian.
Ang sabi nila kaya marami pang produkto na nag-extend ng kanilang contract with the TV and movie star.