Dumating na si Vice Ganda mula sa Amerika at ang unang-una niyang ginawa ay linawin ang akusasyong nagbayad siya sa Philippine Movie Press Club (PMPC) para manalo ng best actor award.
Kahapon sa It’s Showtime ay sinabi ni Vice na walang katotohanan ang paratang sa kanya.
“Nung nabasa ko, natawa lang ako, ’tapos tumahimik ako. Sabi ko, ‘Kung kakausapin ko ang konsensiya ko, ano kayang sasabihin ng konsensiya ko sa akin?’ Sabi ng konsensiya ko sa akin, ‘Kung nandaya ka, ibalik mo ang award. Kung hindi ka nandaya, yakapin mo ang award,’†sabi ni Vice Ganda sabay yakap sa kanyang first acting trophy.
“Gusto ko magpasalamat sa PMPC Star Awards (for MoÂvies) for my first acting trophy. Maraming salamat po sa best actor na binigay n’yo sa akin. Maraming salamat po sa PMPC at sa lahat ng nagtitiwala sa akin. Para po sa inyo ito.â€
Samantala, maging ang PMPC ay naglabas na rin ng official statement hinggil sa bintang na binayaran ang mga member para iboto si Vice Ganda.
Sa pamumuno ng presidenteng si Fernan de Guzman, nagpadala na ng official statement ang PMPC na lumabas kahapon.
Andrei humihingi ng dispensa sa mga matatandang nabastos
Nilinaw ni Andrei Paras ang tungkol sa puna ng ilang kasamahan sa panulat na wala siyang respeto sa matatanda. Ayon sa baguhang young actor ay naalaala nga niyang na-interview siya sa presscon ng Diary ng Panget pero, aniya, he was speaking in English kaya baka inakala raw na hindi siya marunong mag-po at opo.
“Hindi porke’t I’m speaking in English I do not know how to say po and opo. I do say po and opo. It’s in me eh. Minsan sobra nga ang pagkagalang ko,†say ni Andrei nang makausap namin sa shooting ng Diary ng Panget kahapon sa Cavite.
Nagtataka raw siya kung bakit siya nasabihang disrespectful, gayon man ay humihingi siya ng dispensa kung may mga tao raw na nao-offend kung paano siya magsalita.
Samantala, malapit nang matapos ang pelikula dahil may playdate na ito ng April 2. Pinagbibidahan ito ni Nadine Lustre at kasama rin sina James Reid and Yasi Pressman.