Sinagot na ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang pasabog ni Jobert Sucaldito na may bayaran na nangyari sa nakaraang Star Awards for Movies. Direct to the point at walang paliguy-ligoy ang paliwanag ng PMPC na ayaw nang palakihin ang isyu.
Bahagi ng opisyal na pahayag ay, “We strongly refute the said allegation. The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, uncontestable and sacred,†at “The PMPC, its Board of Directors and Members, will always stand firm on their decision.â€
Nabasa agad ni Jobert ang official statement kaya may instant sagot agad siya. Siyempre umiral ang pagiging palaÂban ni Jobert na sumusumpa na totoo ang kanyang mga bintang dahil siya ang nagbayad ng datung.
Ang sagot ng writer-publicist, “I read the official statement of PMPC. Ini-imagine ko lang sila habang kinu-compose nila ang said statement - for sure kahit sila mismo ay tumatayo ang mga balahibo pati sa kanilang kili-kili dahil they are composing a LIE.
“Kailangan kasi nilang isalba ang mga kaluluwa nila dala ng kalokohan ng ilang mga sugapang miyembro. Kawawa naman ang mga matitinong members nila dahil nadadamay sila sa dungis ng ilang _____.
“Mamatay na ang nagsisinungaling. Hasus, alam na namin ang buong story diyan kaya huwag na tayong magÂmaang-maangan pa. Isang malutong na halakhak lang ang katapat niyan - HA!HA!HA!HA!HA!HA!â€
Inulit ni Jobert ang kanyang haÂmon na ilabas at bilangin ang mga balota para malaman ang katotohanan.
Sigaw niya, “Buksan ninyo ang mga balota para magkaalaman. Hindi ’yung 3 lang ang nakakaalam sa bilang kuno I am challenging you - count the votes in public — ’yung walang bura ha?
“Kapag may bura, dapat may initials ng bumoto. Palusot nila, may legal process daw sa ganoon - kailangan daw ng court order pa. Hasus! Pati kapwa-members nila ay nililinlang nila dahil kung sino ang gusto ng EXECOM nilang manalo ang siyang lalabas dahil sila ang may hawak ng ballot boxes!â€
Mga Pinoy sa ibang bansa excited na sa reality show ng Gutierrez Family
Happy si Annabelle Rama dahil bongga ang mga feedback sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Lalong matutuwa si Bisaya kapag nalaman niya na pati ang mga Pinoy na nasa ibang bansa, excited nang mapanood ang reality show ng Gutierrez family na mapapanood sa E! Channel. ’Yung isang dating staff member ng Startalk na si Barbara Dimapilis, waiting na sa show ng mga Gutierrez, kesehodang nasa Portugal siya.
Panay na nga ang tanong ni Barbara kung kailan ang airing ng It Takes Gutz to be a Gutierrez para maabangan niya ito sa YouTube dahil hindi yata available sa Portugal ang E! Channel!