Thankful si AiAi delas Alas sa pagtanggap niya ng award bilang part ng Dekada Awards sa katatapos na 30th Star Awards for MoÂvies last Sunday night sa Solaire Resort & Casino, Pasay City.
At least nga naman hindi pa siya naka-wheel chair o lolang uugud-ugod na inaakyat sa stage para tanggapin ang kanyang award. Habang bata pa raw siya, hindi man sa edad kundi at least daw sa isip, ay puwede pa siyang magsuot ng tanga habang tinatanggap ang kanyang tropeo bilang pagkilala sa kanyang pagiging aktres at sa mga nagawang pelikula.
Pinaglaruan naman ni AiAi si Dennis Trillo sa kanyang acceptance speech dahil ang aktor ang katabi niya sa upuan na Dekada awardee rin sa actor category. Si Dennis daw ang bago niyang papa na inalok pa niyang mag-sex. Kaya nagising sa katatawa sa mga kalokohan ng komedyante ang mga audience. Patataasan daw niya ang kanyang TF sa ABS-CBN para i-share niya kay Papa Dennis.
“I’ll give you a car and you can have my house,†pangungulit pa ni AiAi.
Dahil sa kaharutan ni AiAi, natapos ang kanyang speech na hindi niya napasalamatan si Wenn Deramas na halos lahat ng movie niya ay ito ang nagdirek. Kaya bigla ito nagmaktol sa stage kaya humirit siyang sumingit kina Piolo Pascual at Toni Gonzaga pagbalik sa ere ng awards night na siyang mga host ng show para pasalamatan ang direktor.
Revealing ang pagkanta ni Iza Calzado na nagbigay ng special number ka-duet si Christian Bautista. In fairness sa aktres, maganda pala ang boses niya. May talent pala sa singing si Iza. Pero sa backstage ay panay ang practice dahil kabado raw siyang kumanta.
Akala naman ni Alessandra de Rossi na presentor din si Iza kaya nagulat din dahil kakanta pala ito. Hindi naman mapakali si Alessandra kung paano niya sasabihin ang nakatoka sa kanya dahil mahabang ang spiel niya sa Dekada Awards ng 10 actors kahit kasama niyang mag-present si Sid Luceros. Bigla tuloy na-insecure si Alex dahil ang sinundan niyang presentor ay si Cherie Gil na walang effort nag-present sa stage.
Nasira naman ang moment ni John Lloyd Cruz nang kunin ni Baron Geisler ang microphone sa kanyang speech ng Dekada Awards. Hindi naman inagaw ni Baron ang microphone, nagdagdag lang siya ng nakalimutan niyang pasalamatan. Nag-iba ang hitsura ng mukha ni Lloydie at nang ibalik ni Baron ang mic na ipinasa na lang kay Piolo.
Sabi ng isang staff, lasing na raw si Baron kasi sa likod pa lang ng stage ay marami nang natunggang alak. Bad trip na bad trip pa ang aktor dahil bakit daw siya nasa backstage? Sagot naman ng handler niya, doon sila pinaupo muna ni Mel Navarro ng Philippine Movie Press Club dahil walang nang upuan sa harapan.
Samantala, bumawi si Toni sa kabutihan ni Vice Ganda na nanalong best actor. Usapan nilang dalawa na siya ang tatanggap ng trophy para sa komedyante na nasa US para sa concert nito. Maaalalang nagpa-block ng screening si Vice ng Starting Over Again movie ni Toni.