KC nakaiwas kay Piolo nang bigyan ng award

Ang akala ng kahit mga showbiz insider kaya hindi dumalo sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies si KC Concepcion ay dahil isa sa mga host si Piolo Pascual. Common knowledge kasi na ang kanilang paghihiwalay bilang magkatipan ay hindi kawili-wiling istorya.

Kaya nang ipinahayag ni Laguna Gov. ER Ejercito na si KC ang napiling best actress for her convincing portrayal in Shoot to Kill: Boy Golden, wala ang mahusay na aktres para tanggapin ang tropeo.

Bulong sa amin ng isang family friend, nasa States si KC kasamang nagbabakasyon ang kanyang relatives. Ayon sa nag-chicka, wala pang new boyfriend si KC para makasama niya sa abroad.

Malaking sorpresa na talunin ni KC ang ibang nominadong tulad nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Nora Aunor, Rustica Carpio, at Gov. Vilma Santos-Recto. Sayang at wala siya roon upang namnamin ang tagumpay.

Very deserving ang nagwaging best film na On the Job, pati na si Erik Matti na nahirang na best director.

Si Chito Roño, dalawang beses umakyat sa stage upang kunin ang best indie director award at best indie film trophy para sa Badil. Ito ang comeback indie movie ng multi-awardee, kaya napakahalaga ng Star award for him.

Tulad ng dati, habang nalalaman ang mga nagwagi, lalong nauubos ang mga tao sa grand ballroom dahil umuuwi agad sila matapos banggitin ang nagwagi sa kanilang hinihintay na category, win or lose.

Very touching ang ginawang pagpapahalaga sa mga Ulirang Artista awardee na sina Rustica Carpio, Direktor Peque Gallaga, at scriptwriter Ricky Lee. Sa pagbabanggit ng kanilang mga dakilang obra, lumutang na malaking bahagi ng kulturang Pinoy ang industriya ng pelikula.

Isa pang magandang bahagi ng Star Awards for Movies ang pagbibigay ng Dekada awardees para sa mga artista at director. Kasama sa kanila sina Direktor Joel Lamangan (the most winning director sa Star Awards), Maryo J. delos Reyes, Jose Javier Reyes, Mark Meily, Olivia Lamasan, at Jerrold Tarog.

Kahit binanggit na ang kanilang mga achievement, mahahaba pa rin ang kanilang mga accep­tance speech upang mapasalamatan kung minsan pati mga kapitbahay!

Naging maayos naman ang awards night, na tumagal hanggang alas-dos ng madaling-araw; kahit super higpit ng mga tauhan sa venue, na daig pa na may summit meeting doon ang mga presidente ng iba’t ibang bansa.

May kabastusan ang mga nasa security ng Solaire. Kasi naman meron ng Star Awards sa ve­nue, tumanggap pa ng isang wedding reception. Gabi na tuloy naayos uli ang hall for the awards ceremony na nakapagsimula lang ng alas-nuwebe ng gabi!

Cristine normal lang na makita si Rayver

Matigas ang pagtanggi ni Cristine Reyes sa balikan blues nila ng dating boyfriend na si Rayver Cruz. Magkapitbahay sila kaya hindi maiwasang nagkakasama kung minsan with their common friends.

Totoo ang sabi na hindi ang aktres ang bumabalik sa kanyang former lover. Ang totoo, magkasundo na sila ng kanyang kapatid na si Ara Mina at naka-focus si Cristine sa kanyang career.

She is holding on to the good fortune she is enjoying, kaya sobrang sipag niya at concentrated sa trabaho.

Obra ni Luv Diaz mapapanood sa Trinoma at Ayala

Bumalik na sa bansa ang pelikulang Norte: Hang­ganan ng Kasaysayan matapos ipalabas at hangaan sa iba’t ibang bansa. Ang obra ni Luv Diaz ay palabas sa Trinoma, Quezon City cinema today, at may mga screening on March 18 and 25 sa ibang Ayala mall cinemas.

Show comments