Dumalo si Ryzza Mae Dizon sa appreciation dinner ng MeÂtroÂpolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa lahat ng mga nanalo sa 2013 Metro MaÂnila Film Festival (MMFF).
Hindi puwedeng hindi umapir ang bagets dahil siya ang best child performer ng 2013 MMFF para sa My Little Bossings. Kapag nag-absent si Ryzza Mae, hindi niya makukubra ang kanyang cash incentive.
Pinagkaguluhan si Ryzza Mae ng media nang dumating siya sa event na ginanap sa Club Filipino noong Miyerkules.
Heto na ang parte na nakakaloka, ininterbyu siya ng mga reporter tungkol sa friendship nila ni James “Bimby†Yap, Jr. bilang lagi raw silang nag-uusap sa Facetime. Naloka ako nang mapanood ko sa TV ang interview na may headline na friendship nina Ryzza at Bimby, lume-level up na!
Utang na loob, eight years old pa lamang si Ryzza at kapi-pitong taon lang ni Bimby. Napakabata pa nila para bigyan ng malisya ang kanilang friendship ’no?!
MMDA Chairman Tolentino nagpakita ng kasipagan
Last term na ni MMDA Chairman Francis Tolentino dahil babalik na siya sa public service sa Tagaytay City sa 2016.
Marami ang malulungkot sa pag-alis ni Papa Francis dahil maayos ang pagpapatakbo niya sa MMDA at sa MMFF.
Sa kanyang maigsi na panunungkulan bilang MMDA chairman, nagkaroon ng big improvement ang Metro Manila. Type na type ko ang mga halaman na inilagay niya sa kahabaan ng EDSA dahil maganda ito sa paÂningin. Sana, kasing-sipag at dedicated ni Papa Francis ang ipapalit sa kanya bilang pinuno ng MMDA.
Quick recovery ni Manay Ichu ipinagdarasal ng buong showbiz
Ang appreciation dinner ang huling showbiz event na dinaluhan ni Manay Marichu Vera Perez-Maceda bago ito sinumpong ng sakit sa puso.
Na-depress ako nang malaman ko na naka-confine sa ospital si Manay Ichu na isa sa mga pinakamabait na tao sa showbiz na nakilala ko. Very motherly siya at adopted daughter ng kanilang pamilya ang trato niya sa akin.
Hindi pa nabibisita sa ospital si Manay Ichu dahil hindi pa siya puwedeng dalawin.
Ikinalungkot ng mga taga-showbiz ang pagkakasakit ni Manay Ichu na aktibo na lider ng movie industry. Marami ang nagdarasal para sa kanyang quick recovery.
Anak ni Osang shocking ang mga pasabog sa eskandalo ng pamilya
True ang tsismis, nagharap kami ni Onyok Adriano noong isang araw at mapapanood bukas sa Startalk ang aming pag-uusap.
The who si Onyok? Siya ang bunsong anak ni Rosanna Roces na nag-decide na basagin ang kanyang pananahimik. More than 10 years ko nang hindi nakikita si Onyok. Bagets na bagets pa siya nang huli kaming magkaharap. Natatandaan pa niya na ang pangalan at contact number ko ang nakalagay sa kanyang passport, in case of emergency.
Mamang-mama na si Onyok nang magkita kami noong isang araw. Nagtatrabaho siya sa isang call center at may isang anak. Ikinuwento sa akin ni Onyok ang eskandalo na ginawa ng kanyang ina sa opisina niya na muntik nang maging dahilan para maging jobless siya.
Pumayag ako na interbyuhin si Onyok dahil responsibilidad ko ’yon bilang co-host ng Startalk. Wish ko lang, hindi makatay-katay ang usapan porÂtion namin dahil shocking ang mga pasabog ni Onyok tungkol sa kanyang pasaway na ina.
Sinisikap ng Startalk staff na makuha ang panig ng madir ng bagets. Ewan ko lang kung sasagutin niya ang mga paratang at pasabog ng kanyang unico hijo.