^

Pang Movies

Zanjoe at Denise, kinakikiligan sa Annaliza

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinakitaan ng mga manonood ng chemistry ang tambalan nina Zanjoe Marudo at Denise Laurel sa top-rating primetime family drama na Annaliza kaya naman ngayon pa lang ay nasasabik na ang fans ng serye sa namumuong pagtitinginan ng mga karakter nila bilang Guido at Isabel. Sa nakaraan nitong episode kung saan nag-beach outing ang pamilya nina Guido at Isabel kasama ang mga bata, hindi mapigilan ng netizens na kiligin sa dalawa kasabay ng malalagkit na tinging ibinibigay ni Guido kay Isabel. Excited na rin sila na makuhang muli ni Annaliza (Andrea Brillantes) ang pangarap na buo at masayang pamilya.  Suklian kaya ni Isabel ang pag-ibig ni Guido? Maging isang pamilya na kaya sila? Huwag nang bibitiw dahil isa na namang buhay ang mabubuwis sa ngalan ng paghihiganti. Sino ang mamamaalam? Pakatutukan ang huling tatlong linggo ng Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa  https://www.facebook.com/Annaliza2013 o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter. Pag-usapan ang Annaliza online gamit ang hashtag na #Annaliza.

 

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

ANNALIZA

DENISE LAUREL

FACEBOOK

GUIDO

HUWAG

KINAKITAAN

PAG

PRIMETIME BIDA

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with