Mark at Jennylyn mainit ang lampungan

Magaling si Jennylyn Mercado sa dalawang katauhang ginagampanan sa Rhodora X bilang Rhodora at Roxanne.

Ano kaya ang damdamin ng dating magdyowa kapag sumasalang sa maiinit na eksena? May isang eksena sa teleserye na kapwa lasing ang dalawa dahil sa sinapit ni Angela na nakulong sa bilangguan. Ang kalasingan sa bar ay nauwi sa motel kung saan nagsiping sina Mark at Jennylyn bilang si Roxanne.

Ayon kay Jen, komportable na siya sa pakikipaghalikan kay Mark dahil naging mabuti naman silang magkaibigan after ng kanilang break-up.

Marian panay ang pasasalamat

Nagpapasalamat si Marian Rivera sa pagkakapili sa kanyang Personal Collection bilang endorser.

‘‘Nakakataba naman ng puso na ako pa ang napili. Naniniwala ako at gagamit ng mga produkto nila  laluna kung naglalaba ako sa aking mga underwear,’’ sabi nito tungkol sa fabric conditioner ng Personal Collection.

Naniniwala ang mga taong bumubuo ng Premium Fragrances na si Marian ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at inaming hindi nila ito kinopya sa bansag ng soap operang Carmela sa aktres.

Binigyan din ng tropeo si Marian pagpapatunay na siya ang napili ng mga Personal Collection dealers.

 

Show comments