May ninang na pala sina Marian Rivera at DingÂdong Dantes sa kanilang kasal. Nakakontrata na so far si Batangas Governor Vilma Santos.
Natatawang ini-explain ni Marian kahapon sa contract-signing niya for Sof & Mmmmm Fabric Conditioner ng Personal Collection (PC) kung bakit may ninang na sila.
Say ni Marian, si Gov. Vi raw kasi mismo ang nagsabi nito nang pumunta siya sa Batangas.
“Kalog lang talaga si Ate Vi at nakakatuwa ang bonding naming dalawa. Sabi lang niya, ‘Gusto ko, kapag nag-asawa ka, kailangang ninang ako.’ So, parang kinontrata na niya ako. Sabi ko, okay,†saad ni Marian.
When asked kung may idea na ba si Gov. Vi sa date ng kasal, sagot ni Marian, “’Wag siyang mag-alala, sasabihan ko siya ahead of time, just in case.â€
Samantala, natutuwa naman si Marian na nagsisimula na namang dumami ang kanyang endorsements. Nagkaroon kasi ng pagkakataong tumamlay ang raket niya bilang endorser at siguro raw ay nangyayari naman ito sa buhay ng isang artista.
“Siguro ganun talaga ang buhay, may mga pagkakataon na marami ka talagang endorsements, may mga pagkakataon na may iba naman silang gusto. So, ang maganda riyan is nagsa-cycle, bumabalik.
“So, nakakatuwa, nakakataba ng puso bilang March na ito ay marami akong gagawin talaga,†diin pa niya.
Ang maganda pa rito sa pagkakapili sa kanya ng PC, nag-survey ang management sa mga dealer nila all over the country at talaga raw iisa ang ibinoto ng lahat – si Marian nga.
“Salamat talaga and nakakataba ng puso na ako ’yung napili nila,†saad pa ni Marian.
Dahil fabric softener ang kanyang ine-endorse, natanong tuloy si Marian kung naglalaba ba siya at sagot niya, lahat naman siguro ng babae ay dapat lang na marunong maglaba.
“Hindi ko naman sinasabi na lahat ng damit ko ay ako ang naglalaba. Pero most of the undergarments, naniniwala ako na bilang babae ay marunong kang maglaba,†sabi ng Kapuso star.
Ipinaglalaba rin ba niya ang boyfriend na si DingÂdong Dantes?
“Hindi pa sa ngayon,†natatawa niyang sabi.
Bibigyan na lang daw niya ng ineendorso niyang fabric softener si Dong.
Raikko pinagbibigyan lahat nang nagpapa-picture sa mall
’Kaaliw ang bidang child star ng Honesto na si Raikko Mateo dahil sa gulang niyang limang taon ay marunong siyang sumagot sa mga tanong ng reporters.
Sa farewell presscon kasi ay natanong siya kung ano ba ang pagbabago sa buhay niya ngayong sikat na siya at kuwento ng bagets, “’Pag pumupunta po ako ng mall, nagpa-picture po sila lahat sa akin. Minsan nga po ’pag pumupunta kami ng mall, pinagkakaguluhan po ako.â€
Ano ang ginagawa niya ’pag pinagkakaguluhan siya?
“Pinagbibigyan ko naman po sila kasi ’yun lang po ang pagpapasalamat ko sa panonood nila ng Honesto,†saad ni Raikko na ikinahanga ng press.
Sa pagtatapos ng Honesto ngayong March 14 ay may inihahanda na ang Dreamscape na follow-up project ni Raikko. In the meantime, mapapanood muna siya sa Wansapanataym ngayong buwan ng Abril.