Richard magiging abala na uli

Ngayong nagkaayos na sina Atty. Annette Go­zon-Abrogar at actress na si Sarah Labhati, marami nang nagwi-wish na sana raw ay bumalik na rin si Richard Gutierrez sa GMA Network dahil matagal-tagal na ring natapos ang kontrata niya rito. 

Sana raw ay maging daan na ang muling paggawa ng project ni Sarah sa Kapuso Network para gumawa na rin ng project si Richard sa kanila at wish din nila ay sila ang muling magtambal sa unang project na gagawin nila. 

Huling napanood si Sarah sa epic serye na Indio at si Richard sa Love & Lies. Pero magiging visible na si Richard sa GMA dahil magpo-promote na siya ng action-suspense movie niyang Overtime ng GMA Films with Lauren Young sa direction ni Wincy Ong na iri-release na sa April.

Ang kabuuan ng pagkakasundo nina Atty. Annette at Sarah ay mapapanood mamaya sa Startalk at 4:00 p.m.

Ogie gusto nang kalimutan ang The Gift

Ayaw nang pag-usapan ni Ogie Alcasid ang hindi natuloy na first project sana niya sa TV5, ang soap na The Gift na dapat ay ila-line produce ng APT Entertainment. Biro pa niya sa press launch ng bago niyang romantic-comedy series na Confessions of a Torpe, tatawagan daw niya si MVP (Manny V. Pangilinan) at itatanong niya bakit hindi natuloy kahit nakapag-taping na sila.

Mas focused daw siya sa dalawa niyang shows sa TV5, ang Tropa Mo ‘Ko Unli at ito ngang bago niyang show with Alice Dixson and Gelli de Belen. First time lamang niyang makakasama sa show si Alice na mahusay din pala sa comedy, na sira rin daw ang ulo na tulad niya. Wala raw reklamo kahit ano ang ipagawa sa kanya nina Direk Soxy Topacio at Topel Lee. 

Mapapanood na simula bukas, March 3, ang rom-com sa TV5, 7:30 p.m.

Shoulder to cry on daw lamang ni Gelli de Belen si Ogie Alcasid noong araw sa mga problema niya kaya nanatili silang friends hanggang sa ngayon at kaya comfortable silang magtrabaho sa Confessions of a Torpe. Kaya wala na raw dapat itanong pa ang press tungkol sa naging issue noon na love triangle sila nina Regine Velasquez at husband niya ngayong si Ariel Rivera. Matagal na raw iyon at hindi na rin niya alam kung paano natapos ang issue, basta ang alam niya, mag-asawa na at masaya sina Ogie at Regine sa piling ng anak nilang si Nate at sila naman ni Ariel ay masaya rin sa piling ng mga anak nila. 

 

Show comments