Ilusyonada ang isang aktres na nagbabalak na i-revive ang kanyang showbiz career.
Matagal na nagpahinga sa pag-aartista ang aktres na naniniwala na mapapantayan niya ang popularity ni Anne Curtis. Nawawala sa sarili ang hitad dahil nakalimutan niya yata na mas matanda siya kay Anne at matagal nang lumipas ang kanyang pamamayagpag sa showbiz!
Kailangan ng aktres ng reality check. Kung babalik siya sa showbiz, mother roles na ang bagay sa kanya, hindi na lead star!
Sarah nabunutan na ng tinik
Mahaba man ang prusisyon, sa simbahan pa rin ang urong. All’s well that end’s well dahil magkabati na si Sarah Lahbati at ang mga bossing ng GMA 7.
Naganap kahapon ang pormal na pagkakasundo sa GMA Network, Inc. Muling tumuntong si Sarah sa bakuran ng kanyang home network para makipagkasundo kay Atty. Felipe Gozon at sa anak nitong si Atty. Annette Gozon-Abrogar.
Parang nabunutan ng tinik si Sarah dahil sa magandang nangyari kahapon. Puwede nang ipagpatuloy ni Sarah ang kanyang naudlot na career dahil maganda na uli ang relasyon niya sa Kapuso Network.
Tiyak na maligayang-maligaya si Richard Gutierrez dahil wala nang alalahanin ang kanyang girlfriend. Isa si Richard sa mga naging sandalan ni Sarah noong mga panahon na problematic ito sa kanyang career dahil sunud-sunod ang mga demanda laban sa kanya.
Na-feel ko na magkakasundo si Sarah at ang mga bossing ng GMA 7 nang malaman ko na papayagan siya na lumabas sa ibang TV network.
Isa ’yon sa mga naging sign na magkakasundo ang magkabilang-kampo or else ay hindi talaga puwedeng umapir si Sarah sa ibang TV station.
Ngayong tapos na ang kanilang mga problema, mag-expect tayo na malapit nang mapanood si Sarah sa mga programa ng kanyang mother studio. Hindi idine-deny ni Sarah na miss na miss na niya ang pag-arte. Mahigit sa isang taon na hindi siya nakaarte sa harap ng mga TV camera dahil sa kaso niya sa GMA 7.
Abangan ninyo bukas sa Startalk ang aÂming complete report tungkol sa pagkakaÂsundo ni Sarah at ng mga GMA bossing.
Nakunan ng Startalk ang buong pangyayari, pati na ang mga pahayag ng mga sangkot sa kontrobersiya na isang taon lamang ang itinagal.
Caleigh kilalang-kilala na ng mga Pinoy
Nakita ko kahapon ang recent photo ng anak ni Jackie Forster na lumabas mula sa ospital noong Huwebes. Ilang araw na na-confine sa isang ospital sa Kuala Lumpur, Malaysia si Caleigh dahil sa kanyang leukemia illness.
Normal na nangayayat ang anak ni Jackie dahil sumailalim ito sa chemotherapy procedure.
Gaya nang report ko kahapon, marami ang nagdarasal para sa maaga na paggaling ng bagets. Marami pala ang nakakakilala kay Caleigh dahil sa regular na pagpo-post ni Jackie sa Instagram ng kanyang activities.