Coco may nararamdamang pressure!

Ayon kay Coco Martin, nasaksihan niya kung paano mag-grow si Kim Chiu bilang aktres at napapanood daw niya ang mga teleserye nito in the past.

“Ngayon po, masasabi ko, talagang napakagaling na niya,” papuri ni Coco sa leading lady sa Ikaw Lamang sa ginanap na presscon last Tuesday.

Nang sabihin daw sa kanya ng Dreamscape na pagtatambalin sila sa Ikaw Lamang, na-excite daw siya and at the same time ay na-pressure.

“Siyempre, kung baga, medyo matagal nga kaming hindi nagkatrabaho. Honestly, nakaka-pressure rin. Sana, makasabay,” say pa ni Coco na halatang ninenerbyos dahil paputul-putol ang kanyang sinasabi.

Say naman ni Kim, dahil nga rin sa sobrang husay ni Coco bilang aktor, isang malaking karangalan daw sa kanya na makapareha ito.

 â€œDahil sigurado ako, marami akong matutunan bilang artista, lalung-lalo na sa larangan ng drama, lalo na nga na medyo period ang serye na ito so iba ang atake, iba ang salita.”

Siyempre, hindi rin maiwasang matanong si Kim kung ano ba ang naging reaksyon ni Xian Lim na paghihiwalayin na sila lalo pa nga’t naging blockbuster ang last film nilang Bride for Rent.

Ayon kay Kim, sinu-shooting pa lang nila ang Bride for Rent ay sinabi na sa kanyang makakapareha niya si Coco sa next serye.

Natanong naman si Coco kung bakit parang support na lang nila ni Kim si Julia Montes gayung dati ay sila ang magkatambal.

“’Yung kay Julia po, siyempre ‘yung ibang mga fans na nagtatanong bakit ‘di kami pinagsama, ‘yun ‘yung magandang revelation, eh.

 â€œActually, ‘yun ang sikreto ng soap na dapat nilang abangan. Nandu’n ‘yung pinaka-flavor. Kung baga, sinadya po talaga ‘yun na maging love triangle kami or maging apat kami,” paliwanag ni Coco.

Tungkol naman sa love team nina Xian and Kim, ayon kay Coco ay wala naman daw siyang inaagaw or binubuwag.

 â€œAko naman, tinatanggap ko ang isang proyekto dahil sa konsepto. And then, kung sinuman ang makakasama ko, para sa akin, bonus na ‘yun.

 â€œSabi ko nga po, sana, balang-araw, magkatrabaho rin kami ni Xian kasi artista po kami. Kung ano ang ibigay sa aming proyekto o kung sinuman ang ibigay na makakasama namin, siyempre po, tatanggapin namin lalung-lalo na kung maganda ang proyekto,” say pa ng King of Primetime.

Magsisimula na ang Ikaw Lamang ngayong March 10 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Show comments