Mark inapi ng blackmailer na may utang!

Talk of the town ang ginawang pag-amin ni Mark Herras na may anak na siya.

Ang handler ni Mark ang ina ng bata at hindi na idinetalye pa ng aktor kung paano sila nagkaroon ng relasyon pero, say niya, hindi raw sila nagsasama.

Nasa tamang edad na rin naman si Mark, he’s 27 now, so, hindi na rin naman big shock ang pagkakaroon niya ng anak. Actually, nang ma-interview nga namin siya noon sa presscon ng Rhodora X, isa ito sa mga napag-usapan namin.

Binibiro namin ang aktor na baka naman may itinatago na siyang anak since medyo may edad na nga rin siya pero itinanggi niya ito.

Anyway, may mga story behind na nagsi-circulate sa showbiz kung bakit napaaming bigla si Mark sa pagkakaroon niya ng anak. Diumano ay may namba-blackmail sa aktor na kapag hindi umamin ay ibubuko nga raw ang tungkol sa bata.

Ang tsika pang nakarating sa amin, may utang diumano kay Mark ang namba-blackmail at sini­singil ng aktor kaya tinakut-takot siya na ilalabas na ang kanyang sikreto.

Anyway, may nananakot man o wala, okay na rin naman ang ginawang pag-amin ni Mark dahil sooner or later naman talaga ay lalabas din ito’t ’di naman puwedeng ilihim forever.

The only downside we can think of sa pag-amin na ito ni Mark ay baka maapektuhan ang Rhodora X soap nila ni Jennylyn Mercado.

Pero, on second thought, matatalino na naman ang viewers ngayon at tanggap na naman ng Mark-Jennylyn fans na may kanya-kanya na silang buhay. Besides, si Jen nga rin ay may anak na.

Sa kabila ng lahat, nakakatuwa ring malaman na sobrang proud ni Mark sa kanyang baby girl. Gusto raw niyang ibigay ang lahat sa anak kaya magsisikap daw siya nang husto para mabigyan ito ng magandang future.

Say pa ni Mark, tapos na ang pagiging bad boy niya at panahon na para magpakatino.

Vilma, Nora, Bea, Rustica, Angel, at LT, bakbakan sa Best actress ng PMPC

Pormal nang inanunsiyo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng mga opisyal na no­mi­nado para sa ika-30 Star Awards for Movies. 

Maglalaban-laban sa best actress award sina Bea Alonzo (Four Sisters and a Wedding), Nora Aunor (Ang Kuwento ni Mabuti), Rustica Carpio (Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?), KC Concepcion (Shoot to Kill:  Boy Golden), Angel Locsin, (Four Sisters and a Wedding), Vilma Santos (Ekstra), at Lorna Tolentino (Burgos).

Mahigpit din ang labanan sa best actor award - Dingdong Dantes (Dance of the Steel Bar), Jorge Estregan, Jr. (Shoot to Kill:  Boy Golden), Vice Ganda (Girl, Boy, Bakla, Tomboy), Jake Macapagal (Metro Manila), Robin Padilla (10,000 Hours), Piolo Pascual, (On the Job), at Joel Torre (On the Job).

Sa ikatlong dekada nang pagbibigay ng karangalan sa mga natatanging alagad ng pelikula, ngayong taong ito ay ipagkakaloob ang Dekada Award sa mga sumusunod: Actress: Judy Ann Santos,  Eugene Domingo, at AiAi delas Alas. 

Actor: Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Piolo Pascual, at Baron Geisler. 

Director: Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Maryo J. delos Reyes, Mark Meily, Olivia Lamasan, at Jerrold Tarog. 

Ang Nora Aunor Lifetime Achievement Award ay ibibigay sa beteranang aktres na si Rustica Carpio. 

Sina Ricky Lee at Peque Gallaga ang tatanggap ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Gaganapin ang 30th PMPC Star Awards for Movies sa Marso 9, sa Solaire Resort, ganap na ika-6 ng gabi at mapapanood ito sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa Marso 16. 

Ang 30th PMPC Star Awards for Movies ay mula sa Airtime Marketing ni Tess Celestino at sa direksiyon ni Al Quinn.  

 

Show comments