Kristine Hermosa, buntis na uli

Magiging mommy na uli si Kristine Hermosa dahil buntis siya sa second baby nila ni Oyo Sotto.

Bale magiging tatlo na ang anak ng mag-asawa dahil may adopted son sila na pinaka-panganay.

Si Oyo ang nag-break ng news tungkol sa pagbubuntis ni Kristine. Ito ang sey niya sa kanyang Instagram post kahapon:

“Thank you Lord for this wonderful blessing! We just want to share our short beautiful story of how amazing God is.

“When 2014 started, we believed God for so many things. One of those is to have another baby. Without having to take any medication since Tin has polycystic ovaries… and now, God answered one of our top prayers… To have another baby.

 â€œTin is now on her 6th week!!! With no signs of polycystic ovaries! We are witnesses of how powerful prayers are. God hears them.”

Ruffa nagsalita sa ka-date sa Paris na 85 years old

Idinenay ni Ruffa Gutierrez na may mystery French guy na nanliligaw sa kanya at nakita na kasama niya nang magbakasyon siya sa Paris, France.

Itinanggi ni Ruffa ang balita dahil friend ng aming common friend na si Babette Aquino ang French guy na naka-join nila sa dinner sa isang five-star hotel sa Paris.

Eighty-five years old na ang French guy at hindi ang tipo niya ang mali-link kay Ruffa. Mas matanda pa kay Eddie Gutierrez ang French guy ’no?!

Vic at Pauleen malabo pang magka-anak

Madadagdagan na uli ang mga apo ni Vic Sotto kaya may mga nagtatanong kung kailan naman sila magkakaroon ng anak ni Pauleen Luna.

   Hindi pa kasal, anak agad? Malabo pa na magkaroon ng anak ang dalawa dahil ini-enjoy pa nila ang kanilang relasyon. Hindi naman nagmamadali si Pauleen na maging Mrs. Sotto dahil marami pa siyang pangarap na gustong matupad.

Jennylyn kilalang-kilala ang naanakan ni Mark

Nahingan agad si Jennylyn Mercado ng reaksiyon tungkol sa pag-amin ni Mark Herras na tatay na ito. Ipinalabas agad sa newsbreak ng GMA 7 ang reaksiyon ni Jennylyn pagkatapos ng Startalk noong Linggo. Nahingan ng opinion ang aktres habang nasa studio siya ng Sunday All Stars.

Ang say ni Jennylyn, sinusuportahan niya si Mark na na­ging supportive rin sa kanya. Kilala ni Jennylyn ang madir ng anak ni Mark dahil madalas sila na nagkikita noong talent pa siya ng GMA Ar­tist Center.

Huwag n’yo na akong pilitin na sabihin ang name ng nanay ng anak ni Mark dahil hindi naman siya showbiz perso­nality. Hindi nga sinabi ni Mark ang name ng girl, unethical naman na unahan ko siya?

Pero sinabi sa akin ni Mark na may nabuntis siya. Naging responsible father siya dahil pinaghandaan niya ang panga­nganak ng girl. Hindi siya bumili ng mga mamahaling gamit para sa sarili dahil ang pagdating ng anak ang naging priority niya.

Three months old pa lang ang baby daughter ni Mark pero nagbigay ito ng babala na hindi basta maliligawan si Ada kapag nagdalaga.

Mukhang magiging overprotective father si Mark kay Ada na dapat lang dahil mahirap magpa­laki ng mga anak na babae kesa mga lalaki. Mas alagain at dapat tutukan ang mga anak na babae, lalo na sa panahon ngayon.

Show comments