Mabentang-mabenta ngayon si Alice Dixson dahil sa magandang image na ipinapakita niya for a woman of her age. Nasa kanyang early ’40s na siya pero nagugulat siya dahil nagiging “fantasy girl†pa ng mga lalaking mas bata sa kanya.
Natatawa si Alice kapag idinidikit na sa kanya ang word na “cougar†dahil na rin sa mga role na ginawa niya for TV5.
“Natatawa na lang ako when they call me a cougar. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako or kung mapa-flatter ako. It’s a little bit of both naman.
“But hey, we’re in showbiz and I’m currently single kaya siguro all the more mas bumabagay ang cougar tag sa akin. I am just amused. Wala lang!†tawa pa ni Alice noong makapanayam namin siya sa taping ng Confessions of a Torpe sa Concordia College in Paco, Manila.
Nakadagdag pa sa pagiging cougar ni Alice ang pag-pose niya sa FHM last year at ang mga role sa mga May-December affair series ng Kapatid Network.
“I just finished with The Lady Next Door for Studio 5 where I was paired with Mark Neumann. ’Yun bata talaga ‘yon and it was fun working with him.
“And before that I did For Love or Money with Derek Ramsay. That’s an intense drama naman which a lot of people loved watching.
“Add to it ’yung ginawa kong cover for FHM. So dun na siguro nagsimula ang lahat and I’m proud of what it all came to be right now sa career ko.
“I guess it only goes to show that even at my age now, puwede pa tayo. Like what they say — may asim pa,†sabi ni Alice.
Dahil nga sa image ngayon ni Alice, may beauty and health product na kinuha siya dahil sa kanyang ganda at pigura ngayon.
“Nakakatuwa because these products trust me to be their endorser. Marami naman diyan na mas bata sa akin, yet they chose me.
“It only goes to show na ’yung mga pinaghirapan mong pag-alaga sa katawan mo is really paying off.
“And of course, ’yung positive outlook ko ngayon. It’s all positive na. Lahat ng bad vibes ay naiwan ko na noong 2013. It’s a new year kaya positive tayo ngayon,†pahayag ni Alice.
Yassi sumumpang hindi muna mai-in love
Nangako ang Kapuso young actress na si Yassi Pressman na hindi muna siya ma-in love at gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career.
Bago kasi matapos ang taong 2013, naghiwalay sila ng kanyang nababalitang boyfriend noon na si Sef Cadayona na naka-partner niya sa Metro Manila Film Festival entry na Kaleidoscope World.
Ngayong taon ay sunud-sunod ang trabaho ni Yassi kaya wala raw siyang time na mag-entertain ng manliligaw.
“I am very thankful that my career is doing well. Despite of whatever happened to my personal life, I am still thankful and I will consider that as challenge — a challenge for me to do even better in other things in my life.
“Like right now po I’m busy in both television and movies. Nakakatuwa because I’ve never been this busy talaga. Kaya thank you kay God for all the blessings when 2014 came,†kuwento naman ni Yassi sa nakaraang press conference ng pelikulang Diary ng Panget: The Movie sa The Library Metrowalk, Pasig City.
Bukod sa pagiging busy ni Yassi sa Sunday All Stars sa GMA 7 at sa pagiging video jock sa MTV Pinoy at Especially 4 U ng Viva Channel, natapos nga niya ang pelikulang Diary ng Panget: The Movie under Viva Films na kasama niya sina Nadine Lustre, James Reid, at Andre Paras.
Hango nga sa top-selling teen novel ni Denny a.k.a. Have You Seen This Girl, ang Diary ng Panget na unang naging hit sa kabataan sa Wattpad.com.
Gagampanan ni Yassi ang role na si Lori, ang British-Pinay girl na magiging kaagaw ni Eya (Nadine) sa pag-ibig nito kay Cross (James).
“Diary ng Panget is my fourth movie na. I did Tween Academy: Class of 2012, Si Agimat, Si Enteng at si Ako, and Kaleidoscope World.
“What’s good about this project is that the story is so relatable. A lot of teens can identify with our characters. Kaya hindi na kami nagulat that this became a big hit with the teen market.
“And we all had fun doing the movie. Naging close na nga kami nina Nadine, Andre, and James. And Direk Andoy Ranay is such a wonderful person to work with,†sabi pa ni Yassi.
Kasama rin sa cast ng bagong GMA primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real si Yassi. Huli siyang napanood bilang batang Giselle Toengi sa Paraiso Ko’y Ikaw.