May aabangan na naman ang Pinoy fans ng American Idol (AI) dahil may nakapasok uling Filipino-American sa Top 13 ng Season 13. Ito ay ang 16-year-old na si Malaya Watson na taga-Southfield, Michigan na galing sa pamilya ng mga musician at expert na siya sa maraming musical instruments. Isang tuba player si Malaya sa kanilang school sa Southfield High School.
Namangha ang mga AI judge na sina Jennifer Lopez, Keith Urban, at Harry Connick, Jr. sa rendition ni Malaya ng Ray Charles classic na Hard Time (No One Knows Better Than I) sa huling pilian para sa Top 13.
Nasa audience ang Pinay mother ni Malaya na si Marian Bandico Watson at sinusuportahan ang pangarap ng kanyang anak.
Sa interview ni Malaya, after niyang mapili bilang isa sa official Top 13 finalists, sinabi niya na she is representing the Filipinos.
“Yes, I am here to represent the Filipinos, too. This is a dream come true for me. I have always wanted to be in American Idol. I always watch my Dad sing. I am now living that dream,†sabi ni Malaya.
Nagpaunlak din ng interview ang ina ni Malaya na si Marian at gulat ito sa mabilis na pangyayari sa kanyang anak since nag-audition ito last year.
“Everything is a whirlwind right now. Everything is new for her so she is just enjoying everything. Her father is so proud of her,†sabi ni Marian.
“Since her father is American and she was born in America, she was raised as an American. But she has learned a few simple words in Tagalog like tatay, nanay, lolo, o lola. She also knows “mahal kita.’â€
Minsan daw ay sinama ng kanyang ina si Malaya sa pag-uwi nito sa Pilipinas para sa isang medical mission. Sana raw ay magawa ulit ng bagets iyon sa kapwa niya Pinoy balang-araw.
All praises nga rin ang mga AI judges kay Malaya kaya hindi sila nagdalawang-isip na isama ito sa Top 13.
Papuri nga ni JLo, “Malaya is definitely one of the powerhouses in this competition.â€
At mula sa host ng AI na si Ryan Seacrest: “I like her a lot. She is very interesting. She really works on stage. She really deserves to be in the Top 13 finals.â€
Hindi na sinuwerte ang isa pang Fil-American na si Marrialle Sellars dahil nagpakita ito ng kahinaan performance-wise sa final rounds.