Nagdemanda ng rape kay Vhong sinupalpal ng mga ebidensiya ng dating asawa ng komedyante
Sa unang paglabas pa lang ng beauty pageant contestant na si Roxanne Acosta Cabañero sa media accusing Vhong Navarro of rape, marami na agad ang duda sa mga sinasabi niya dahil ang unang-una ngang nasilip na butas ay 2010 pa pala nangyari and it took four years bago siya nagsalita.
Day one pa lang ay katakut-takot na panlalait na ang natanggap niya mula sa netizens at pinagbinta-ngan nang nag-iimbento ng kuwento.
Pero nang maglabas si Bianca Lapus na ex-wife ni Vhong ng mga larawan na nagpapatunay kung nasaan ang comedian/TV host nung gabing sinasabi ni Roxanne na na-rape siya, lalong tumindi ang galit sa kanya ng netizens.
Dalawang larawan ang ipinoste ni Bianca at may caption na “Need I say more? April 24, 2010 8pm onwards island cove cavite.â€
Ang unang larawan ay poster ng concert dated April 24, 2010 kung saan ay makikita ang pangalan ni Vhong bilang guest.
Ang second picture naman ay ang tweet ni Kean Cipriano ng madaling araw ng April 25 na nagsaÂsaad ng “Just got home from island cove. Congrats Vice Ganda and Vhong. You guys are the best!â€
Sa report naman ng ABS-CBN ay kinumpirma nila sa Island Cove ang concert at pinatotohanan naman umano ng management ang nasabing show nang date na ‘yun.
April 24, 2010 diumano ang sinasabi ni Roxanne na na-rape siya ni Vhong at around 11 p.m. Ang show na nakalagay sa concert ay 8 p.m. at alas-dos na umano ng madaling-araw ito natapos.
Kaya naman takang-taka ang lahat kung paano raw nangyaring naabuso sa date and time na sinabi ng nagreklamo.
Well, hintayin na lang natin ang sagot ulit ni Roxanne tungkol dito.
Cherry Pie nagpakitang-gilas agad
Sa trailer pa lang ng higanteng seryeng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu kasama sina Julia Montes and Jake Cuenca at iba pang magagaling na artista natin ngayon, kitang-kita na ang tagisan ng acting na mapapanood sa pagitan ng buong cast.
Magsisimula na ngayong March 10 ang Ikaw Lamang mula sa direksiyon nina Malu Sevilla and Avel Sunpongco.
Nadine natutuwa kapag napagkakamalang si Kathryn
Nagulat kami kay Nadine Lustre sa presscon ng pelikulang Diary ng Panget dahil napakalaki ng pagkakahawig niya kay Kathryn Bernardo as in para silang kambal.
In the past, noong nagsisimula pa lang si Nadine ay nai-interview na namin siya pero hindi namin noon napansin na kahawig siya ni Kathryn or maybe that time ay iba pa rin ang hitsura ng Kapamilya young actress or vice versa.
Anyway, flattered naman si Nadine kapag sinasabi ng tao na kahawig niya si Kathryn. At lagi raw siya talagang napagkakamalang siya ang ka-love team ni Daniel Padilla kaya lagi raw naman niyang ikinokorek ‘yun.
“Flattered ako kasi sikat si Kathryn at maganda. Okay lang naman po sa akin kung napagkakamalan nila ako,†she said.
After years of waiting, finally ay dumating na ang big break ni Nadine dahil siya ang bida at title role sa Diary ng Panget under Viva Films.
Leading man niya sa movie si James Reid at kasama rin sina Yassi Pressman and Andre Paras. Magsisimula pa lang silang mag-shoot ng movie under the direction of Andoy Ranay at ang target playdate naman ay sa April 2.
- Latest