Pinipilit ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee na maaaring maganap ang isang rape sa loob ng isang minuto lang. At kahit wala raw medico legal certificate, meron pa rin maaaring maganap na panggagahasa.
Inireklamo pa ni Lee ang ABS-CBN na panig kay Vhong Navarro sa kanilang pagÂre-report ng kaso ng koÂmedÂyante.
Say ng negosyanteng dinemanda ni Navarro, naiÂintindihan niya na kinakampihan ng network ang artista dahil talent nila.
Pinagdidiinan pa ni Lee na wala silang relasyon ni Cornejo at sana’y ’wag halukayin ang ibang bagay na walang kaugnayan sa kaso vs. Navarro.
Si Navarro, piniling hindi dumalo sa paghahain ng counter-affidavit nina Cornejo at Lee sa korte at kinatawan lang ng kanyang abogado.
Magiging abala rin ang Navarro camp sa pagsagot na inungÂkat na bagong rape case na nangyari pa raw four years ago.
Fil-Am pasok sa Top 13
Pasok sa Top 13 ng American Idol (AI) 2014 ang Film-Am na si Malaya Watson. Simula pa lang ng mga audition ay paborito na ang Pinay belter ng mga hurado, kasama si JLo o Jennifer Lopez.
Isa pang Fil-Am hopeful ang hindi nagkapalad na nakasali sa AI finals. Meron muling susuportahan ang mga Fil-Am viewer ng reality talent search at lahat sila ay magiging masigla sa panonood ng show na tinatanghal sa iba’t ibang bahagi ng USA.
Fiancé ni Karylle dumepensa sa galit sa mga bakla
Depensa ng kampo ni Yael Yuzon of Sponge Cola at mapapangasawa ni Karylle Tatlonghari, hindi homophobic o galit sa mga bading ang band singer. Ang kanyang publicist nga, baklang-bakla.
Nagkaroon lang ng ’di pagkaÂkaunawaan sa kumalat na statement daw na galing kay Yael na ayaw niyang ipareha ang kanyang nobya sa bading na si Vice Ganda. Protesta daw ni Yuzon, ang dami namang co-hosts sa show nila Karylle, bakit si Vice pa ang naka-love team ng kanyang wife-to-be?
Maricel kailangan ng magagaling na scriptwriter
Magsisimula nang mag-taping for GMA 7 si Maricel Soriano ng teledramang Ang Dalawang Mrs. Real with Dingdong Dantes and Lovi Poe.
Sana mabigyan ng tunay na magandang script si Maria na tiyak na susubaybayan ng televiewers at hindi tulad ng mga naunang teleserye na lumaylay na ang kuwento sa bandang gitna ng istorya.
Sayang naman ang talent ng multi-awardee kung mga pipitsuging scriptwriter ang makakasama niya at mga TV executive na panay ang porma pero walang sapat na kaalaman sa kanilang mga trabaho.
Marian dinayo ang Baguio para sa Reyna ng mga Bulaklak
Nagtanghal sina Marian Rivera at mga Kapuso artist sa SM Baguio last Saturday (Feb. 22) evening as part of the Panagbenga festivities in the Pines City.
Milyones na ang dumayo sa Baguio para saksihan ang taunang flower festival at marami pang nagtatanghal kaugnay ng festivities. This Sunday morning, saradong muli ang Session Road para sa grand parade of flowers na inaasahang sasalihan ng leading stars from major networks.
Pinoy version ng Indian musical mas lamang sa ganda
Sana ma-extend ang Pinoy version ng Mahabaratha, the longest epic from India, na last day na sa Wilfredo Ma. Guerrero Theater sa UP Diliman, Quezon City this Sunday na idinirek at isinulat ni Floy Quintos.
Dapat marami pang makapanood ng stage musical na tampok ang mga original song nina CJ Javier at Dexter Santos. Sa extension ng Ang Nawalang Kapatid, sana available na ang kanilang original soundtrack album na binubuo ng walong kanta.
Paborito ng marami ang Lukso ng Dugo na tiyak na magiging isang hit single kapag ni-record at na-release ng isang popular pop artist.
Marami nang naging stage version ang Mahabaratha pero, ang sabi ng mga kritiko, Ang Nawalang Kapatid is really a standout.