Kapansin-pansin sa kuwento ng bagong nagreklamo ng rape against Vhong Navarro na si RoÂxanne Acosta Cabañero na nangyari ang kanyang paratang habang ongoing ang isang beauty pageant kung saan siya kalahok.
May nangyayari palang nakakatakas sa kanilang mga assigned room ang mga contestant? Akala kasi natin mahigpit ang mga nagbabantay sa kanila at bawal silang lumabas ng kanilang kuwarto kung hindi sa mga official event ng pageant.
Kung totoo ang salaysay ng nagreklamo kay Vhong, puwede pala silang gumawa ng himala, haÂbang nasa labas ng kanilang mga kuwarto, sa living quarters ng mga official candidate!
Madadawit pa tuloy ang beauty pageant na sinalihan ni Acosta dahil pinabayaan silang hindi sundin ang supposed to be strict rules.
Anne, Dingdong, Angel, Derek tuloy ang pagtulong sa Visayas
Hanggang ngayon, tuloy ang taus-pusong pagtulong ng mga artista sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Si Dingdong Dantes, hinihintay ang approval ng Department of Education para magtayo ng donation niyang two-storey building sa Estancia, Iloilo. Si Angel Locsin ibinigay ang kanyang vintage CheÂvÂÂÂroÂÂlet car for auction at ibibigay ang malilikom na halaga para sa mga typhoon victim.
Sina Anne Curtis at Derek Ramsay, aktibo sa Pahalipay Ha Leyte, na nagbigay ng walong disaster-proof classrooms sa iba’t ibang barangay ng proÂbinsiya.
Si Boy Abunda naman, through his Make Your Nanay Proud Foundation, pumili ng 100 families sa kanyang home proÂvince sa Samar, na binigyan ng puhunan para magtayo ng sariling kabuhayan. Sina Kuh Ledesma at Cristina Gonzales, magkatuwang sa pagkolekta ng pondo para sa Bacolod at Tacloban, Leyte.
Aktibo pa ang maraming artista sa pagsagip ng nabiktimang kababayan dahil tunay na aabutin pa ng maraming taon upang sila’y lubos na makabaÂngon.
Vina at Shaina paborito na ang Pinoy designer na tagagawa ng mga damit ng Saudi royals
Nagiging favorite of stars tulad nina Vina Morales at Shaina Magdayao ang Paris-trained Pinoy na si Amir Sali upang gumawa ng kanilang mga isusuot sa mga special occasion. Ang designer from Sulu ang gumawa ng mga damit ng Saudi royalty for 18 years bago siya bumalik sa bansa at nagtayo ng kanyang sariling shop.
Mga maharlika ang kanyang mga dating suki kaya ang kanyang mga creaÂtion ay fully beaded at gumagamit pa ng Swarovski crystals for appliqué.
Pinoy makeup experts maraming natutuhan sa Hollywood beautician na suki nina Zellweger, Swank, at Paris
Maraming natutuhan ang mga Pinoy beautician sa Hollywood makeup artist na siyang nag-aayos kina Renee Zellweger, Hilary Swank, at Paris Hilton na si Jerry Johnson.
Paalala ng ’Kanong counterpart ng mga Pinoy makeup expert, ang makeup ay hindi tattoo kaya maaring burahin anytime at maglagay uli ng bago.
Soprano at indie film actress na puwede nang National Artist hindi mareklamo sa trabaho
Kung tutuusin ay maaaring pagkalooban ng National Artist Award For Music ang coloratura soprano na si Fides Cuyugan Asensio. Gumanap na siya sa countless opera as leading lady at naitampok na rin ang kanyang pagtatanghal sa iba’t ibang bansa maging sa mga operang Pinoy.
Ngayon isa si Fides sa mga in demand indie film actress at nagwawagi siya ng mga award sa bagong larangang pinasok.
Magkasama sila nina Tetchie Agbayani, Cherie Gil, at Mark Gil sa Mana. Kahit nasa horizontal positioning ang beteranang aktres sa halos lahat ng eksena sa Mana, hindi siya nagreklamo.