Kabaklaan ni Vice Ganda kinaiiritahan ng dyowa ni Karylle

Sa Feb. 26 aalis ng bansa si Vice Ganda at mawawala siya ng two weeks para sa ilang shows sa Amerika, kasama si Ejay Falcon. Bago umalis, itinuloy na ni Vice ang naipangako niyang thanksgiving party dahil sa success ng Metro Manila Film Festival entry niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Viva Films at Star Cinema. Sure raw na may filmfest entry pa rin siya sa December pero gusto raw ng Star Cinema na gumawa muna siya ng isang non-filmfest movie. This year, bukod sa dalawang pelikulang gagawin, magko-concert din siya at tuloy ang kanyang Gandang Gabi, Vice every Sunday at ang afternoon show nilang It’s Showtime kahit medyo nagkaroon nga sila ng hindi pagkaka­intindihan ng co-host na si Karylle. 

Idinitalye ni Vice ang buong story ng hindi nila pagkikibuan ni Karylle sa show. Na-offend daw siya nang malaman niya sa director nilang si Bobet Vidanes na kaya pala cold sa kanya ang singer-actress dahil galit ang boyfriend nitong si Yael Yuzon na bakit daw sa rami ng makaka-love team ang girlfriend niya, sa isa pang bakla na tulad ni Vice?

Ano raw ba ang masama sa pagiging bakla niya? Ang totoo, ayaw niya ng may ka-love team kaya lamang gusto ng staff ng show para raw kay Karylle kaya siya pumayag pero alam niya na mas kailangan iyon ni Karylle kaysa kanya. Bago pumunta sa thanksgiving party, natanggap ni Vice ang flowers na ipinadala ni Karylle with a card na nagso-sorry sa kanya. 

Kylie nagulantang na hindi siya ang bida sa sariling programa!

Nabigla pala si Kylie Padilla sa pagpasok ng character ni Solenn Heussaff as Dayana sa telefantasya nilang Adarna. Biro pa niya nang makausap namin, akala raw niya ay siya ang Ibong Adarna pero si Solenn pala iyon. Pero naintindihan daw niya nang kausapin siya ni Direk Ricky Davao na kailangan nila ang isa pang character na tutulong kay Migo (Geoff Eigenmann) and, at the same time, tsa-challenge rito para malaman kung karapat-dapat talaga si Migo para kay Ada (Kylie). 

Anyways, up to March 7 na lamang ang Adarna. Nabanggit din ni Kylie na hindi na tuloy ang amang si Robin Padilla na mag-guest sa soap pero happy daw ito dahil napanood ang mga action scene na ginawa niya.

Show comments