Kris hindi na naghahanap ng mas mayaman, magka-dyowa lang!

Semi-broken hearted ang term na ginamit ni Kris Aquino sa kanyang estado ngayon. Ito ay dahil nga sa pagtalikod ng isang suitor sa kanya.

Matatandaang ni-reveal ni Kris na sinabihan siya ng suitor niya na ayaw na siya nitong makita.

“It hurts. Kasi ako yung nasabihan ng ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung puwede ko lang talaga ma-rewind o ma-edit kung ano yung nangyari,” say ni Kris sa morning show niyang Kris TV last Monday.

Bagama’t ikina-shock daw niya ‘yun, natanggap naman daw niya ‘yun and in fact, she revealed na may guy na matagal nang nagyayaya ng dinner sa kanya.

Kahapon naman sa Kris TV ay ini-reveal ni Kris ang qualities sa guy na hinahanap niya.

“No. 1, intelligence, ‘yun talaga. Sabi ko, ‘Please, please be smart,’” sabi ni Kris.

“Second, driven. Gusto ko talaga ‘yung masipag. Hindi naman ako ilusyunada na kailangan mas mayaman sa akin, mahirap na ‘yon. Hindi naman sa pagyayabang I’m just being honest, nagiging totoo lang ako ha?”

At pangatlo, ‘yung guy na hindi kinukuwestiyon ang kanyang nakaraan.

“’Yung last, sabi ko, ‘yung walang hang-ups sa past. ‘Yung parang, ‘eto na ha, Google me, you know na, tapos. Pero let’s not bring it up because I am what I am because of everything I went through. I am the sum total of all my experiences and I think I’ve come out okay,” she said.

Jericho minani lang ang pagpapatawa

Sa totoo lang, naka-relate kami sa pelikulang ABNKKBSNPLAko (Aba, Nakakabasa Na Pala Ako) na pinagbibidahan ni Jericho Rosales and Andi Eigenmann which had its red carper premiere night last Tuesday night sa Megamall.

The movie brought us lots of high school memories. ‘Yung mga kalokohan namin during HS, ganundin ang ipinakita sa movie. Mga padalahan ng love letters (dahil hindi pa uso ang text messages and emails noon), JS prom, cutting classes, friendships, naka-relate talaga kami.

Bale ba ay 80s ang setting ng high school era nila. Panahon nila Michael Jackson, Menudo, Spandau Ballet, kaya sobrang sakto sa timeline namin. Pati ang See-True na talk show noon ni Inday Badiday ay nabanggit kaya laugh kami nang laugh. Kapanahunan talaga. Hinihintay nga naming banggitin ang Lovingly Yours, Helen dahil isa rin ‘yun sa classic memories ng 80s.

 â€˜Yung paghahanap ng school sa college, naka-relate rin kami dahil ganung-ganun din talaga ang ginawa naming noon at kasama rin ang mga friends namin, tulad sa eksena sa movie.

Being a good actor that he is, minani-mani lang ni Echo ang acting niya sa movie. He was good in all of his scenes. Gustung-gusto namin ang reaksyon niya sa eksenang first time siyang hinalikan ng kanyang “special someone” played by Andi.      

Nagsimula na kahapon (Wednesday) ang showing ng ABNKKBSNPLAko at take note, graded A ito ng Cinema Evaluation Board. Bukod kina Andi and Echo, kasama rin sa movie sina Meg Imperial, Vandolph at marami pang iba mula sa direksyon ni Mark Meily.

 

Show comments