Very inspiring ang success story ng isang scriptwriter/publisher. Sa sipag at tiyaga, nakapagpundar siya ng isang malaking compound sa choice lot in Quezon City. Kahit mayaman na, tuloy ang kanyang hardwork. Siya pa ang namamakyaw ng mga ilulutong putahe sa kanyang restaurant sa loob ng malaÂking lote.
Tuloy pa rin ang kanyang pagsusulat ng mga movie script na pawang kumita sa box-office. Kaya madalas siyang mabigyan ng bonus na at least P1 million per project.
Nagtaka lang kami na nawaldas lahat ang kanyang naipundar at nang magkasakit ay naghagilap pa ng kontribusyon para ibayad sa ospital! Pumanaw siyang mahirap at nakalubog sa utang!
Sa ating mga kafatid na iibig sa kapwa lalaki, huwag masyadong ibigay ang lahat at baka kayo ang mag-mistulang pulubi balang araw.
Tularan ang isang kasabayang publisher/writer na hanggang pumanaw ay maraming pera dahil sa kakuriputan sa mga menchu. Kahit alipustahin siya sa pagiging makunat ng mga aktor na natikman, wala siyang pakialam basta’t intact ang kanyang kabuhayan!
Boots namigay ng awards sa mga broadcaster
Nagbigay ng kanilang first Prime TV Awards ang Pete Roa Integrated Media Foundation para sa TV sa Ateneo de Manila Escaler Hall hosted by Boots Anson-Roa and Sev Sarmenta.
Ang pagpili ng awardees ay ginawa ng 11 universities sa Metro Manila at naglayon ng mataas na kalidad ng mga local TV show.
Tatlo agad ang binigyan ng lifetime achievement awards — sina Cheche Lazaro, Pia Hontiveros, at Winnie Monsod. Tumanggap sila ng glass trophy, na disenyo at likha ni Ramon Orlina, for their excellence and courage in broadcasting and TV hosÂting.
Original Darna suki sa Sta. Cruz, Manila
Personal naming nakilala ang original Darna, former movie queen Rosa del Rosario, dahil ang kanyang sister ay next-door neighbor namin sa O’Donnel Street, Sta. Cruz, Manila who was married to a band leader. Kalaro namin ang mga pamangkin ni Rosa at madalas namin siyang makita kapag dumadalaw sa kapatid.
Halos hindi ako makapagsalita tuwing nakikita ang mala-diyosang ganda ni Rosa. Dahil mestisang Amerikana, nasa States siya noong World War II at nakasali sa isang Hollywood version ng The King and I, as one of the many wives of the King ng Siam (Thailand).
Building sa may Jones Bridge walang katulad sa ibang bansa
Pasyalan na ninyo at magpa-litrato sa harap ng El Hogar building sa may paanan ng Jones Bridge, paglabas ng Escolta Manila. Ito na lang ang nakatayong gusali sa buong Pilipinas na may turn-of-the-century architectural design. Kahit siguro sa ibang bansa, wala na itong katulad.
Meron nang nakabili ng El Hogar at balak ng may-ari ay magtayo ng modern office on the said site. Sooner the beautiful Manila landmark will give way to progress.
Pinay teener waging best actress uli sa India
Ang Pinay teener na si Sandy Talag ang nagwaging best actress sa katatapos na Jaipur International Film Festival in India for the movie Lilet Never Happened.
Nauna rito, nagwagi na rin ang 15-year-old actress sa Oaxaca International Film Festival sa Mexico ng same award at best ensemble sa Manhattan filmfest for the same movie.
Rachelle Ann mawawala na sa sirkulasyon
Very soon, Rachelle Ann Go will be out of the circulation in local showbiz scene. Malapit nang mag-umpisa ang rehearsals for the Miss Saigon revival in West End. Sa Feb. 22 ang last performance niya rito in the farewell concert at Meralco Theater.
Nakikita na ni Rachelle ang sarili na nakikipag-duet kay Kim sa West End, in the Miss Saigon classic, the Movie in My Mind. Ang 25th anniversary Miss Saigon revival ay ipapalabas starting May 2nd.