Ang saya ng thanksgiving party kahapon ni Anne Curtis sa isang restaurant sa Quezon City dahil bumaha ng raffle prizes at giveaways.
Nag-win ako ng mobile phone at type ko ang handwritten thank you message ni Anne para sa akin at sa ibang mga reporter.
Take note, hands-on si Anne sa kanyang party. Siya ang namili ng pagkain at nag-decide sa mga premyo na ipinamigay.
Personal na pinasalamatan ni Anne ang entertainment press dahil sa walang sawa na suporta sa kanya mula nang nagsimula ang kanyang showbiz career.
Early bird sa party ni Anne ang kanyang manager na si Veronique del Rosario-Corpuz.
Tumulong si Veronique sa pag-aasikaso sa mga bisita ni Anne habang hinihintay ang pagdating nito mula sa It’s Showtime.
Parang tunay na kapatid ang trato ni Veronique kay Anne dahil bagets na bagets pa ito nang maging contract star ng Viva Films. Twelve years old si Anne nang gawin nito ang kanyang unang pelikula sa Viva Films, ang fantasy movie na Magic Temple.
Dumating din sa party ang Viva Films supervising producer na si June Rufino na isa rin sa mga nanay-nanayan ng aktres.
Samantala, ayaw namang patulan ni Anne ang mga intriga na siya ang oldest Dyesebel na diumano eh galing sa kampo ni MaÂrian Rivera.
Hindi pinaniniwalaan ni Anne ang mga intriga dahil wala silang problema ni Marian as in okey na okey sila. At lalong hindi siya naniniwala na galing sa kampo ni Marian ang mga pang-ookray.
Hindi mapagpatol si Anne sa mga isyu na walang basehan at malinaw na gawa-gawa lamang. Wala nang hihigit pa sa kontrobersiya na pinagdaanan niya noong nakaraang taon kaya dedma siya sa mga imbentong isyu.
Pero excited na si Anne sa nalalapit na tapings niya para sa Dyesebel. Nag-taping na sila noon sa Coron, Palawan pero hindi pa ito nasusundan.
Hindi pa nga nababasa ni Anne ang script ng Dyesebel pero gustung-gusto niya ang kulay ng buntot na kanyang gagamitin. Kung tama ang dinig ko, pink ang kulay ng buntot ni Anne at ang Ravelo family ang pumili nito.
Nag-celebrate rin si Anne ng kanyang 29th birthday sa 71 Gramercy, ang bar na pag-aari ni Raymond Gutierrez at ng mga business partner nito sa Makati City.
Tuwang-tuwa si Anne nang dumating sa kanyang party sina Luis Manzano at Angel Locsin. Botong-boto si Anne sa relasyon nina Luis at Angel. May feeling siya na mauunang magpakasal ang daÂlawa kesa sa kanya.
Going strong ang relasyon ni Anne at ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff pero wala pa sa plano nila ang magpakasal. Hindi pa raw nila napag-uusapan dahil naka-focus ang kanilang atensiyon sa respective careers. Busy si Erwan sa pamamahala ng kanyang mga restaurant habang magiging abala naman si Anne sa tapings ng Dyesebel at ng mga pelikula na ginagawa niya para sa Viva Films.
Paghahandaan na rin ni Anne ang forthcoming concert niya sa May 2014 na may tentative title na Anne Kapal. Baka isabay sa concert ni Anne ang launch ng kanyang bagong record album sa Viva Records.