^

Pang Movies

Mga aktor naglipana ang mga hubad na picture, pasa-pasa sa cell phone

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Marami palang nude photos ng mga actor si Ogie Diaz sa kanyang cell phone. Live kasi sa kanyang Teleradyo show sa DZMM, ipinapakita niya ang mga ito kay Aiko Melendez. Ang lakas ng tawa ng aktres tuwing may nakikitang hubad na larawan.

Tinatanong pa ni Ogie kung “bakit ngayon ka lang ba nakakita nito?” Nag-blind item kasi ang radio host na may young actor na nagpadala ng photo habang nagsasariling sikap kaya hinanap niya sa cell phone upang makita ng kanyang guest na si Aiko!

Very entertaining ang programa ng writer/comedian kaya alam na namin kung bakit natsugi ang dating show on the same slot ni Ambet Nabus. Ang Bikolano kasing si Ambet ang lagi lang naming na­ririnig sa show, maganda ang Mayon Volcano at iba’t ibang lugar sa Bicol.

Susundan pa niya ng mga meeting o reunion ng alumni group mula sa UP o ang mga meeting nilang dating magkakaklase o magka-eskuwela!

Panay din ang banggit na mahusay ang gobernador na si Joey Salceda ng Albay na ginagawang mabuti ang tungkulin. Halos memorized na namin ang laging laman ng radio show ni Nabus!

Cory iniiwan-iwan sa iba ang sariling radio show

Kung palaging late o absent ang isang host ng isang Teleradyo show, tulad ni Cory Quirino ng Ma-Beauty Po Naman, bakit itinutuloy pa ang kanyang show?

Noong minsan nga ay si Jon Ibañez pa ang na­ging pinch hitter. Tiyak na hindi naman beauty and wellness authority si Jon, na aktibong reporter ng Teleradyo patrol. Meron din naman na sariling radio show si Jon pero hindi tungkol sa pagpapaganda ng kutis at pagkain ng mga tamang putahe, gulay, at prutas.

At lalong hindi isang forever flawless beauty si Jon Ibañez! Nag-iisa lang kasi ang Cory Quirino at kung aabangan siya sa kanyang show at hindi naman sisipot o laging late ay unfair sa mga follower ng palabas.

Michael Martinez inaabangan na ng mga skating rink sa Metro Manila

Bibigyan ng PX US$10,000 ni Manuel V. Pa­ngilinan ang Winter Olympian na si Michael Martinez! Malaki ang equivalent nito sa pesos at tatagal para allowance ng figure skater sa pagsasanay sa mga skating rink sa mall!

Inaabangan na ang kanyang triumphant homecoming as Winter Olympic finalist at nag-uunahan ang mga skating rink sa Metro Manila kung saan siya magpapa-pictorial.

Sen. Trillanes nagre-require ng lie detector test sa mga testigo

Tama ang suggestion ni Sen. Antonio Trillanes III na ipa-lie detector test ang imported witness sa pork barrel scam na si Ruby Tuason.

Dapat lahat ng gustong tumestigo ay nakahanda sa ganitong pagsubok upang patunayan ang credibility.

Aktres na ubod ng taray mula ulo hanggang paa kung laitin ng followers

Patuloy na nilalait at minumura mula ulo hanggang paa ng mga online basher ang aktres na sobrang taray magsalita at magsulat sa kanyang Twitter. Sabi ng mga nakakasubaybay sa mga poison message, wala naman karapatang magreklamo ang artista. Higit na nakakainsulto sa ilang tao, pati sa kanyang mga relative, ang sinusulat niya sa Internet.

She is only getting a dose of her own medicine, say nila. Ewan kung may mararamdaman pa siya sa patuloy na pag-alipusta.

Derek nahihirapang maghanap ng kapalit ni Angelica

One of the most appealing male stars si Derek Ramsay kaya incredible na hanggang ngayon ay hindi pa siya maka-move on after his break-up with Angelica Pa­nganiban. Ilan taon na ba nangyari ’yon?

Ang claim ni Derek, mahirap turuan ang pusong namatay ng konti dahil sa nakalipas na pag-ibig. Noong maligayang araw nila ni Angelica, ang akala niya ay wala ng katapusan ang kanyang pagtapak sa ulap.

Hindi siya naging handa sa paghihiwalay nila kaya he was let out of the blue. Until now nangangapa siya at hindi alam kung saan o paano maghahanap ng bagong romansa.

Tunay na babae ang ibig sabihin ni Derek kaya ang mga  ilusyonadong beki ay huwag nang magtangka!

vuukle comment

CORY QUIRINO

DEREK

JON IBA

KANYANG

KUNG

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with